Ang aklat na ito ay nagpapakilala ng mga karakter na kabilang sa LGBTQIA+ community. Layunin nito ang i-normalize ang pagkakaroon ng iba’t ibang kulay ng mga buhay sa komunidad at ilantad sa murang edad ang mga ito. Kita sa pagaaral nina Demir‐Lira et al. (2019), ang interaksyon ng anak at magulang mula sa pagbabasa ng mga libro sa bahay ay may malaking epekto sa development ng bata. Kita rin sa pagaaral nina Gansen (2017) ang papel ng mga guro sa pagdedevelop ng mga konsepto tungkol sa kasarian sa mga bata. Sa tulong ninyo, hangad namin na mababawasan ang mga insidente ng pangungutya at bullying ng kabataan sa kanilang kapwa base sa kasarian.
Upang mas makilala rin ninyo ang mga karakter dito, ilalantad namin ang kanilang mga kasarian pati na rin ang mga kaugnay na salita mula sa Montilla Doble (2022).
SOGIESC - sexual orientation, gender identity, gender expression, at sex characteristics
Sexual Orientation - atraksyon na nararamdaman ng isang tao sa ibang tao, maging sa iba, kaparehas, wala, o higit sa isang kasarian; kung kanino ka nagkakagusto
Heterosexual - nagkakagusto sa may salungat na kasarian
Homosexual - nagkakagusto sa may kaparehong kasarian
Bisexual - nagkakagusto sa dalawa o higit pang kasarian
Pansexual - nagkakagusto sa lahat ng kasarian; hindi sa kasarian nagbabase ng kagustuhan
Asexual - hindi nagkakagusto sa iba
Gender Identity - pagkakaunawa sa sarili batay sa kasarian; maaaring babae, lalaki, o iba pa
Cisgender - parehas ang iyong gender identity sa iyong sex assigned at birth
Transgender - hindi tugma ang iyong gender identity sa iyong sex assigned at birth
Non-binary - ang iyong gender identity ay labas sa pagiging babae o lalaki
Gender Expression - ang panlabas na pagpapahayag ng gender identity; maari itong sa paraan ng pananamit, kilos, itsura, at iba pa
Masculine - pang-lalaki
Feminine - pang-babae
Androgynous - kombinasyon ng dalawa o labas sa dalawa
Sex Characteristics - pisikal na katangian na tumutukoy sa biological sex ng isang tao; maari itong nakabase sa ari, hormones, chromosomes, at iba pa
Intersex - pagkakaroon ng kombinasyon ng pang-lalaki at pang-babaeng mga sex characteristics
Sex assigned at birth - sex ng isang sanggol batay sa kanyang panlabas na ari; assigned male (lalaki) / female (babae) at birth (AMAB/AFAB)
Gender - kultural at panlipunang ekspektasyon ng iba’t ibang kasarian
Babae
Lalaki
Bakla - AMAB na nagkakagusto sa lalaki; sinasali rin dito ang mga AMAB na hindi alinsunod sa katangian ng isang lalaki (gay men, trans women, non-binary AMAB, atbp.)
Tomboy / Lesbyana - AFAB na nagkakagusto sa babae; sinasali rin dito ang mga AFAB na hindi alinsunod sa katangian ng isang babae (lesbian women, trans men, non-binary AFAB, atbp.)
Mga Karakter (Assigned Sex at Birth, Sexual Orientation, Gender Identity, Gender Expression):
Kristin - AMAB, straight, transgender female, feminine
Andrea - AFAB, lesbian, cisgender female, masculine
Gab - AMAB, bisexual, cisgender male, feminine
Alexa - AFAB, lesbian, non-binary, feminine
Mark - AMAB, pansexual, non-binary, androgynous
Jules - AFAB, bisexual, transgender masculine, masculine
Umaasa kami na magiging malaking tulong ang aming aklat upang maging mas inclusibo ang ating lipunan. Umaasa rin kami na sa susunod na henerasyon, wala nang LGBTQIA+ na bata ang makakaramdam na may mali sa kanila at sila ay kamahal-mahal maging kahit ano pa man sila.
Mga Sanggunian:
Demir‐Lira, Ö. E., Applebaum, L. R., Goldin‐Meadow, S., & Levine, S. C. (2019). Parents’ early book reading to children: Relation to children’s later language and literacy outcomes controlling for other parent language input. Developmental Science, 22(3). https://doi.org/10.1111/desc.12764
Gansen, H. M. (2017). Reproducing (and disrupting) heteronormativity: gendered sexual socialization in preschool classrooms. Sociology of Education, 90(3), 255–272. https://doi.org/10.1177/0038040717720981
Montilla Doble, J. (2022). Sexual orientation, gender identity, gender expression, and sex characteristics: A primer. UP Center for Women’s and Gender Studies. https://cws.up.edu.ph/?p=2441