Ang pagdisinfect ng ating kapaligiran at mga gamit na kadalasang hinahawakan ay higit na makakatulong sa pag-iwas mula sa COVID-19!
Ang pagdisinfect gamit ang tamang bleach solution ay nakakatulong pumatay ng virus na dumapo sa mga bagay!
Ihalo ang 1-bahagi ng bleach solution sa 9 na bahagi ng tubig! Tandaan: Ang solution na ito ay para lamang sa mga bagay at masyadong matapang para gamitin sa ating mga balat.
Mag-imagine ng bilog na may isang metrong lawak mula sa iyo at ‘wag hahayaang may taong makapasok sa bilog na ito!
Ang COVID-19 ay sumasama sa droplets mula sa taong bumabahing, umuubo, kumakain, o nagsasalita. Ang mga droplet na ito ay kayang tumalsik nang malayo kaya importante ang physical distancing!
BIDA ang may alam! Maging wais sa iyong pagcocommute at tandaan ang aming mga tips para BIDA ang iyong kaligtasan!