PANAWAGAN
STUDIO - UMAGA NG AGOSTO 26
May pitong babae na nakaupo sa mga upuan at nag uusap. Hindi pa nila namamalayan na nakabukas na ang kodak. Isa sa kanila ang tumingin sa camera at kinuha ang atensyon ng buong grupo para ipaalam sa kanila na sila ay magsisimula na. Ang iba naman ay nag-ayos muna ng buhok nang mabilisan. Sa pag-ayos ng pag-upo nila, sabay silang tumingin sa harap at ang babae na nakaupo malapit sa pinaka dulo ng silid ay nagsalita na.
LAUREN
(Mababa ang kanyang tono, ngunit ramdam mo ang emosyon na dinadala niya)
Lugmok sa kahirapan ang mga tao sa bansang ito
Walang pumoprotekta sa kanila, ngunit dapat mayroon.
Nararapat silang mamuhay nang mapayapa't hindi nagugutom
Nasaan ang hustiya mula sa mga nasa itaas, may ginagawa pa ba ang hukom?
Tumayo si CIELO, ang kanyang kamay ay nakalagay sa ibabaw ng kanyang puso at naglakad patungo sa gitna ng silid.
CIELO
(Nagbibigay inspirasyon ang kanyang boses sa tagapakinig na umaksyon din)
Sa makabagong panahon, oras na ito upang kumilos
Hindi na magiging sapat ang paglalahad ng mga datos
Kulang tayo sa pagpapakumbaba at pakikisama sa mga nagdurusa ngayon
Paulit-ulit na lamang ang mga salita walang laman, walang layon.
Si PIA ay tumayo na rin mula sa upuan niya, sinundan ng kodak ang kanyang paggalaw sa kabilang dulo ng silid.
PIA
(Labis na lungkot ang tinig ng kanyang boses)
Mga karapatang ng bawat isa'y inaapak apakan
At lahang ng may pribilehiyo ay sadyang nagbibingi-bingihan
Buhay ng kapwa ang kapalit para lang mapakinggan
Isang kahig, isang tuka ang realidad ng mga nasa lansangan
Bumalik ang pokus ng kodak sa gitna ng studio kung saan kita ang pitong babae. Tumayo si JAN nang marahan ang dating.
JAN
At kabalalay nito ang hagikgik ng musmos
Mga hilagyong idiniin at idinurog
Dagundong ginapos
At ibinuhusang dapog
Si GIA ay tumayo na rin mula sa kanyang upuan at lumakad patungo sa kabilang dulo na hindi pinuntahan ni PIA.
GIA
Ang pagkakaisa nating lahat ang tanging makakatumbas
Sa kapangyarihang pinagkait sa atin, mayroon din itong pagwawakas
Maging boses at daan para sa mga nangangailangan
Tulad ng halibawa ng ating Panginoong Diyos, para sa buhay na walang hanggan
Sikapin nating tumulong hanggang sa ating makakaya
Dahil kahit sa simpleng paraan, ito ay nakakapagpalaya.
Tumayo ang natirang tatlo: Si BREE, CITRINE, at JAN at kasama nila si LAUREN at lumakad patungo sa harapan ng kwarto at tumabi sa gilid ni CIELO. Si PIA at GIA din ay lumapit sa grupo upang sabay sabay na hikayatin ang kanilang manonood.
ALL
Magsimula sa sarili at magkaroon ng kamalayan
Sa bawat iyak na nagmumula sa ating inang bayan.
Magsilbing liwanag para sa mga nawawala sa tamang landas
Mahalin at alagaan natin ang bawat isa nang buong buo at walang kupas
"Maniwala ka na basta’t tayo'y nagsasama-sama, may pag-asa pa rin tayong bumangon"
FADE OUT.
SALA NG STUDIO - AGOSTO 26, 2025
EXPLANATION:
Sa bawat pelikula ng mga napiling Pambansang Alagad ng Sining sa Pagpepelikula ng pangkat, tinatalakay nila ang mga isyung panlipunan na nararanasan ng mga Pilipino at sa pagtungo ng buong grupo sa Pambansang Museo ng Pilipinas mas naging matingkad sa kanila ang realidad at pang-aabuso na hinaharap ng mga Pilipino noon at ngayon. Ang sining ay tunay na repleksyon ng buhay, kaya sa pagsasaliksik ng mga miyembro tungkol sa mga isyung panlipunan na naging matingkad sa kanilang pagbisita sa museo katulad ng paghihirap, kakulangan ng edukasyon, paglabag ng mga nasa kapangyarihan ng karapatang pantao ng mga Pilipino, diskriminasyon laban sa tao lalo na sa babae, isyu sa kalusugang pangkaisipan, aksesibilidad ng serbisyo para sa kalusugan, at ang epekto ng kolonisasyon sa medisinang Pilipino, dito nakita ng mga makakatuklas at magbabasa ng website ang iba't ibang karanasan at paghihirap ng ating kababayan sa araw-araw. Sa panawagan, pinagsama ng mga miyembro ang mga isyung napili namin at dito hinikayat ng pangkat ang ibang tao na maging mapanuri at makialam sa mga nararanasan ng mga Pilipino. Bagkus kalakip nito ang pag-udyok sa tao na kailangan nating umaksyon dahil hindi dahil nangyari at patuloy na nangyayari ang mga bagay na ito ay dapat na nangyayari ang mga ito dahil paglabag ito sa karapatan ng tao. Sa pagtatapos nitong proyekto, nais naming ipabatid na ang pagkilala sa mga isyung panlipunan ay unang hakbang lamang; higit na mahalaga ang pagtutulungan upang makahanap ng kongkretong solusyon. Ang sining, pelikula, at museo ay nagsisilbing paalala na ang bawat kwento ng pakikibaka ng Pilipino ay may kaakibat na tungkulin bilang mga mamamayan ng bansa na sumama sa labang ito.
Si Bb. Pia Therese Buan ay isang mag aaral ng baitang 12 sa Saint Theresa’s College of Quezon City sa strand na Humanities and Social science.Naging miyembro din siya ng Debate Team noong 2022-2023 kung saan mas napalaganap niya ang kanyang kaalaman at kaisipan sa mga isyu ng mundo pati ang paglaban ukol sa iba't ibang kakulangan sa sistema ng edukasyon ng Pilipinas.Siya ay naging kalihim at sakalukuyan ay miyembro ng organisasyon OrFun. Ang pangunahing layunin ng organisasiyon ay ipinaglalaban nila ang mga iba’t ibang karapatan ng kabataan at ang kanilang kalagayan nilas sa mundo. Isa siya sa mga namuno sa aktibidad na Christmas Party nila sa Bahay Sandigan at Bahay Pag-asa. Siya ay isa sa mga estudyante na nakilahok sa Ang Galing program kung saan ang pangunahing layunin ng programa ay magturo sa mga batang nakatira sa Manila North Cemetery. Isa siya sa mga nakasama sa interaksyon ng kanyang paaralan at ang Obayashi Sacred Heart kung saan namulat siya sa iba't ibang klase ng edukasyon, pati narin ang kakulangan ng edukasyon sa Pilipinas.
Lakbay ng Bata
Saglit man lang pero ito ang pinaka tumatak sa aking memorya, at para sa akin ito ay isang dagok sapagkat ako’y isang makakalimutin na tao. Hindi ito obra ngunit isang eksibit, ito ay eksibit na ginawa ng Canvas PH, isang NGO na nakapokus sa mga bata at ang pagtuturo ng pagbasa. Ayon sa World Bank 2022 90% ng mga bata ay hindi nakakaintindi at nakakaalam paano magbasa o magsulat at kita ang epekto nito sa mga bata. Ang pagbasa ay isa sa mga paraan upang umunlad ang iba’t ibang kakayahan ng mga bata sa pag iisip ayon ka Jocelle Sigue. Malaki ang epekto ng hindi pagkakaroon ng maayos na kasanayan sa pagbasa ang mga bata at maari nila itong madala sa kanyang paglaki at malaki din ang epekto nito sa kanilang kinabukasan. Marami ang nadadala ngayon sa fake news at AI generated news dahil sa kakulangan sa karunungang magbasa ng mga impormasyon at kritikal na pag iisip na maaring namang maayos sa tapat na pagtuturo. Ngunit hindi rin natin maalis sa isipan na ngunit sadya ang bagbaba nito sapagkat pagdating sa halalan ang mga politiko ay maaring magkaroon ng benepisyo nito.Ayon kay Rebecca Parker (May 7, 2024) “There is a discrepancy between the literacy skills of the average voter and the readability of most propositions”, kaya masasabi na ang pagkakaroon ng karunungang bumasa at sumulat sa pagboto dahil nakasalaylay ito.Ang pag sama sama nating tingnan ang mga iba't ibang epekto nito sa syudad may posibilidad na maaaring hindi umunlad ang ating bansa.
Kawikaan 22:6 Ituro sa mga bata ang tamang pag-uugali, at hindi niya ito malilimutan hanggang sa kanyang pagtanda” Nakasulat sa libro ng Kawikaan ang importansya ng pag turo sa mga bata ng tamang ugali at asal at mga kakayahan. Importante ang edukasyon, hindi lang ito isang paghihirap o karanasan ng mga kabataan kung di ito ang bumubuo sa kanila. Kapag tayo ay may kakulangan sa edukasyon ng mga kabataan at hindi sila maayos na natuturuan, paano tayo uunlad bilang isang bansa, bilang isang mundo? Nung nakaraang eleksyon makikita natin ang epekto ng kabataan, kung paano nila nakipaglaban ang kinabukasan ng Pilipinas gamit ng kanilang mga boto, ngunit hindi lahat ay may kakayahang magkaroon ng ganoong kritikal na pag iisip sapagkat ang mga kahinguaan natin ay hindi sapat para sa lahat at pili lang ay kayang makatangap nito. Sa Quam Singulari nasabi ng Santo Papa Pope Pius X “The pages of the Gospel show clearly how special was that love for children which Christ showed while He was on earth” Kaya dapat bigyan din natin sila ng parehong mahal at halaga na binibigay ng Diyos.
Bilang mga may kaya madaming iba’t ibang organisasyon ang maaring nating lapitan upang tulungan ang mga bata na makakuha ng tamang edukasyon. Katulad nalang ng “Ang Galing” program kung saan tuwing sabado ay maaring kang magturo sa mga bata na naninirahan sa Manila North Cemetery ng pagbasa o kaya baybayin sa lengwahe ng Ingles at Filipino. May mga organisasyon tulad din ng Canvas na maari nating suportahan sa pamamagitan ng pagbili o kaya mag-abuloy sa kanila na mapupunta sa mga kabataan. Isang tulong na din ang pagsuporta sa mga foundation tungo sa pag aaral ng mga bata katulad nalang ng ACAP. Sa simpleng boluntaryo sa mga programa tulad ng Ang Galing o kaya ACAP ay isa sa paraan upang ibahagi natin ang ating mga talento at kaalaman sa mga bata upang tulungan sila makamit ang nararapat na antas sa mga kasanayan ng pagbasa at pagsulat.
Alam natin na hindi lahat ay may kakayahan, magbigay or maglaan ng oras para sa mga ganito, kaya hindi natin pwedeng sabihin na magiging matagumpay ang mga organisasyon na ito sa pagkuha ng mga boluntaryo na maaring sumama sa kanilang programa, ngunit kung tayong lahat ay maaaring magbigay ng konting oras para sa mga bata na ito, maaring lumaki pa ang mga matutulungan nila. Ang simpleng isang oras ay isang oras na din na tulong sa kabataan para makamit ang kanilang iba’t ibang pangarap at gusto sa buhay, pati na rin ang pag unlad ng ating bansa dahil sabi nga ng ating pambansang bayani “Ang kabataan ang pag asa ng bayan.”
Si Cielogold Angel D. Cortina ay isang mag-aaral mula sa Saint Theresa's College ng Quezon City sa baitang labindalawa ng akademikong strand na Humanities at Social Sciences. Siya ay kinikilala sa kanyang paglahok sa STCQC 2024-2025 Eco-Forum: Symposium on Climate Change bilang isang EMCEE at tagpagtanong. Kumuha rin siya ng kursong GLOCAL, isang akademikong klase na nakatuon sa pagkilala sa iba't ibang isyung pangkalikasan at pagbibigay halaga sa pangangalaga ng ekolohiya. Bukod dito, kasalukuyang bahagi din siya ng organisasyong LUNTIAN, isang grupo na binubuo ng mga miyembro sa kanyang paaralan na tumatangkilik sa pag preserba ng paligid at pinangungunahan ang mga programa katulad ng "Trash to Cash Back". Siya din ay kasali sa Saint Theresa's College ng Quezon City Debate Team na tumatalakay at humuhubog sa kritikal na pag-iisip tungkol sa malawakang larangan ng mga sosyal, politikal at pang kalikasang isyu sa bansa at sa mundo. Naniniwala siya na ang bawat tao ay may karapatan sa malinis at maaliwalas na kapaligiran, ang mundo ay isang biyaya mula sa Panginoon na inihain upang pangalagaan at ibahagi para sa ikabubuti ng lahat.
Ang Lakbay sa Nasyonal Museo: Doomed Family
Noong nakaraang Agosto 14, 2025, ako at ang aking mga kamag-aral ay nabigyan ng oportunidad na bisitahin ang isa sa mga ginagalang at hinahangaan na imprastraktura sa Pilipinas, ang Nasyonal na Museo. Sa aming pagpunta, marami kaming nakita na sining sa iba’t ibang larangan, katulad ng mga larawan, estatwa, tradisyonal na damit, at iba pa na nagmula sa malawakang talaan ng kinikilalang magagaling na Pilipinong artista. Habang kami ay naglalakad sa isang maayos na linya, nabighani ang aming mga mata sa pagtingin sa bawat sulok ng pinapasukan na galeriya. Ang mga panga namin ay halos mahulog na sa kahoy na sahig dahil sa labis na paghanga sa mga sining. Kahit mayroon na kaming nadadamang pagod sa aming yapak, walang kupas ang ngiti sa aming mga mukha. Subalit, noong pumasok kami sa “Silvana and Juan Layla Hall”, tunay na mas bumigat ang aking puso nang matanaw ko ang pinta ni Dominador Castaneda na pinangalanang, “Doomed Family”.
Ang Doomed Family ay ginawa sa taong 1945 noong panahon ng kolonisasyon ng mga Hapon sa Pilipinas. Makikita rito ang isang pamilyang duguan na brutal na minaltrato ng mga sundalong Hapon na namuno gamit ang takot ng mga inosenteng naaapi (Chavez, 2016). Ayon sa mga kuwentong naitala, maraming pamilya ang nahiwalay, maraming pagbobomba ang narinig sa labas ng mga tirahan, mga batang pinatay, mga magulang na ikinulong, at mga kababaihang simula sa edad na walo na napilitang maging “comfort women” (McCarthy, 2020; Havendie I_I, 2018). Ngayon, ilang dekada na ang nakaraan ngunit parang hindi pa rin tayo natuto. Ang ating bansa ay may tinaguriang 2.99 milyon na Pilipino na namumuhay sa ilalim ng poverty line. Ang kahirapan ng bansa ay nagdudulot sa kakulangan sa pagkain, malinis na tubig, edukasyon at sa pangangailangan para sa kalusugan (Resurreccion, 2025). Maraming pangarap ang hindi natupad dahil sa hirap ng buhay. Marami ang naabuso at nasaktan. Walang kasiguraduhan ang mga susunod na araw para sa iilang pamilya. Kung kaya’y, hanggang kailan pa ba tayo mamumuhay sa bansang nagbibigay pa rin ng takot sa mga inosenteng naaapi?
Nang kami ay umalis na sa galeriya, hindi ko pa rin malimot ang larawan ng pamilyang nabanggit; masakit at nakakaawa, ngunit nagtatanong din ako kung bakit humantong sa ganoon? Hindi ba’t tinatawag tayo ng Diyos sa ikalawang kautusan na ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili? Sinasabi rin sa Juan 8:7 na ang sinuman sa inyo na walang kasalanan ang siyang maunang bumato. Ang ating Panginoon ay naging boses para sa mga naaapi, kaya kung mismong Diyos na ang tumulong at naging mabuti sa mga may sakit, sa mga masasama, sa mga mahihirap o mayaman, at kahit sa mga nagkasala, tayo bilang mga alagad ng Diyos ay tinatawag upang gawin din ito. Naalala ko rin ang ating mga Missionary Sisters of the Immaculate Heart of Mary na isinabuhay ang pagiging isang komunidad para sa mga mahihirap na palaging isinasapuso ang respeto at pagmamahal sa lahat.
Hindi madaling kumilos para solusyunan ang isang isyu sa lipunan, subalit, hinihikayat ko pa rin ang lahat na gawin ang ating makakaya. Piliing suportahan ang iba’t ibang organisasyong tumutulong sa mga nangangailangan katulad ng Gawad Kalinga at Angat Buhay, isulong at imungkahi ang programa ng TESDA at magsagawa ng iba’t ibang gawain sa sari-sariling mga barangay katulad ng tinatawag na “Feeding Program”. Ang ganitong mga pagkilos ay isang pamamaraan sa pagtataguyod ng ating misyon sa pagiging isang nagkakaisang komunidad ng simbahan. Ito rin ay nakakapagpalaganap ng mensahe na inilalabas ng mga ICM Sisters na maging mapagbigay at buksan ang ating puso para sa lahat ng nangangailangan. Bilang isang Teresa, masasabi ko rin na hindi lamang ito makatutulong sa ating kapwa, kung hindi ay magiging kapaki-pakinabang din sa ating pagpapalaganap ng “synodality” sa buong bansa.
Sa aking paglalakbay sa Nasyonal na Museo, marami akong natutunan na aral at mahahalagang bahagi ng ating kasaysayan. Ang bawat sining na aking nasaksihan ay may sariling kuwento at lahat ay may mensahe na nais ipabatid. Ang Doomed Family ni Dominado Castenado ay isa lang sa mga ito, subalit naniniwala ako na ang pinaka aral ng mga sining na aking nakita ay iisa lamang: ang buhay ay mahalaga sapagkat ipinagkaloob ito ng Diyos at binubuo ito ng mga taong nagbibigay kulay at nagpapaganda nito. Kung kaya’y, bilang isang paggunita sa hiling na sana ay mas maitaguyod pa ang pagpapahalaga sa bawat tao, nais kong himukin ang lahat ng mambabasa na manalangin para sa mga mahihirap at kumanta ng mga awit katulad ng “Kay Hirap Maging Mahirap” ni Liyah Saturno at “Anak ng Mahirap” ni Freddie Aguilar upang hindi natin makalimutan ang aral ng paghihirap na nararanasan ng ating kapwang Pilipino. Hinihikayat ko rin ang lahat na bisitahin ang Nasyonal na Museo dahil dito ako mas namulat at alam kong marami rin kayong matututunan dito.
Si Bb. Jan Marie Discher ay isang mag-aaral mula sa Saint Theresa's College of Quezon City (STCQC) na nag-aaral sa ilalim ng akademikong strand ng Humanities and Social Sciences (HUMSS). Siya ang kasalukuyang katungkulan na Humanities and Social Sciences/General Academics (HUMSS/GA) Strand Representative ng Theresian Student Council. Siya rin ay bahagi ng Theresian Publication bilang Feature Writer, at sa loob ng tatlong taon, siya ay nakapaglikha ng dalawang artikulo at dalawang kulumna; siya rin ay nakibahagi sa APSA Student Journalism Online Workshop noong 2024. Siya rin ay nakilahok sa Archers Model United Nations noong Mayo 2025 bilang delegado ng Wall Street Journal, at nakamit ang karangalan na "Best News Report". Bahagi rin siya ng KABALIKATAN Abante Agueda, isang organisasyong nakatuon sa peminismo; nagsisilbi rin siyang manunulat sa mga plataporma nito. Aktibo rin siya sa Sining Teresa, isang katawan ng makatarungang sining: siya ay nag co-direct at co-write ng Panunuluyan 2024, at siya rin ay ang kasalukuyang punong stage manager ng kanilang pagganap ng Bato ng Buhay Ko. Kabilang dito, siya ang punong manunulat ng produksyon ng kaniyang pangkat sa Contemporary Philippine Arts from the Regions (CPAR). Dagdag din sa kaniyang pakikilahok ay ang taunang Obayashi Sacred Heart School at STCQC Virtual Interaction, at siya rin ay co-emcee nito. Ang kaniyang kakayahang magsalita sa publiko ay ganap din sa pag-emcee at paghikayat niya ng Alapaap, o BandFest 2024 ng STCQC; siya ang pinakaunang junior high school na mag-aaral na nag-emcee ng kaganapang ito.
Sakitin ang nanay ko. Bago pa ako ipanganak, bagkus hinehele niya na ako, kadalasang may umuurong na karimlan sa kanyang sistema. Noong bata pa ako, binabakas ko ang linya ng operasyon sa kanyang leeg: malalim ang pag-kayumanggi nito, kumokontra sa kanyang mestisang kutis, at inilikha ko siyang kalsada ng isang mapa. Sunod-sunuran ang pagiging agor ng aking nanay, at sunod-sunuran din ang aking paghilatmata sa sistema at kasaysayan ng medisina sa Pilipinas. Ang mga pagkukulang sa kilos, salita, at serbisyo ay hadlang sa kalusugang Pilipino.
Sa kasalukuyan, itinuturing pribiliheyo ang katamtamang paggamot. Tiyak ito sa kakulangan ng mga manggagamot, kakulangan ng pondo, at hati sa mga pribado at publikong sektor. Dagdag dito, ang sistema ng paggagamot sa Pilipinas ay higit nang kabalalay ng kanluran; itinatapaktapakan ang tunay na ugat ng kultura at paggagamot sa Pilipinas. Walang saysay ang kataas-taasang teknolohiya kung hindi ito angkop sa masa.
Bilang mag-aaral sa ilalim ng turo ni Hesus, mabibigkas ko na ito ay labag sa ideya na ang dignidad pangtao ay inherent, inviolable, at inalienable; ang pagtanggi sa tapat na serbisyong pangkalusugan ay pagtanggi sa pagprotekta ng dignidad ng sambayanan.
Isang haligi ng ideyang ito na nagbibigay pugay rin sa pagiging Pilipino ay ang National Museum of the Philippines. Sa aming paglakbay sa National Museum of Fine Arts, napagtanto ko ang The Progress of Medicine in the Philippines ni Carlos V. Francisco. Itinalakay nito ang taos-pusong kultura ng mga sinaunang Pilipino sa paghihilom ng sari-saring sakit; ang mga ritwal, kagamitan, at papel ng kada indibidwal ay nagbigay kulay sa diwang Pilipino. Bagkus, tiyak din ang dahan-dahang paglampas ng mga dayuhang kolonyal sa ating mga sistema. Ang pagpapatayo ng Philippine General Hospital ay isang bahagi ito—at sa kabaliktaran na pagsubok na ipataguyod ang kalusugan, naging bunga ang papel ng pribiliheyo at pagkawalan ng abot-kamay na paggamot.
Hayag ito sa ating mga katutubo, nang kansa na ang mga halaman at kaalaman sa sinaunang paggagamot. Maliit din ang larangan ng medikal na antropolohiya sa pananaliksik, kaya’t hindi nabibigyang katamtamang pakundangan ang mga ito. Ayon sa saliksik nina Abe at Ohtani (2012), ang mga lagpas sisenta na edad ay mas maalam tungkol dito; ayon naman din kina Tantengco, atbp. (2018), pabawas nang pabawas ang kaalaman ng katutubong paggamot sa mga katutubong komunidad na dapat mayroong malawak na kasanayan sa botanikal na paggamot.
Kahit na ako ay isang Teresa, kalakip ng urbanisasyon at abot-kayang paghilom, nakikiisa pa rin ako ng mga pagsisikap ng ating mga katutubo, ng ating masa, at ng ating sistema. Ihinuhubog sa Teresa ang pagiging waliwali, makatotohanan, tapat hustisya, at pagpapanatili ng mga inilikha ng Diyos. Hindi magiging abot-kamay ang sinodal na komunidad kung idinidiin natin ang mga ideyang hindi bahagi ng ating pagkakatong Pilipino.
Ayon sa lahat nito, ipagpapatuloy ko ang aking pagsusumikap sa iba’t ibang larangan ng paggamot at paghilom. Isang bahagi nito ay ang kalusugang pambabae: ipagpapataguyod ko ang pagbaba ng presyo ng mga pangreglang materyal. Makikiisa ako sa mga aksyon na magpapausog sa pagpapatatag ng mga batas o kilos na gagabay sa katamtamang pagdiskurso at pag-agap dito. Sisikapin ko rin ang pananaliksik at pagsuporta sa mga bahaging kayang ibalanse ang karapatang pangtao sa sektor ng paggamot. Isasabuhay ko ang mga pinataguyod ni Santo Raphael, ang santo ng mga may sakit.
DOMINGO, GIANINA MYNNEL
Si Gianina Mynnel Domingo ay isang mag-aaral mula sa baitang 12 na galing sa strand ng Humanities and Social Sciences (HUMSS) ng Saint Theresa’s College Quezon City. Siya ay naging miyembro ng Theresian Publication noong baitang 11 nagsisilbing bahagi ng Photography committee na nangangasiwa ng dokumentasyon ng mga kaganapan sa paaralan tulad ng Family Day, mga misa, Bandfest, at iba pang mga kaganapan sa Saint Theresa’s College. Siya rin ay isang kapansin-pansin at tuluy-tuloy na dokumento ng taga sa mga serye ng mga kaganapan na nangyayari sa paaralan tulad ng mga aktibidad, programa, oryentasyon, retreat sa kani-kanilang mga paksa at organisasyon na nangangailangan ng dokumentasyon. Siya rin ay miyembro ng organisasyon na reMEDial-Tikas sa KABALIKATAN, kung saan itinataguyod nito ang healthcare at pangkalusugan sa pamamagitan ng pagtulong sa mga taong nangangailangan ng tulong medika at pagtuturo sa publiko kung paano gawin ang mga medikal na kasanayan sa maliliit na salik. Kaugnay nito, siya ay isang certified panuring first aid beginner na may hawak na valid card of competence at ang kakayahang magbigay ng mahalagang pagdalong medikal. Sa pamamagitan nito, patuloy niyang ginagamit ang mga katangiang ito para sa pagpapabuti ng akademya at pagkilos para sa publiko upang patuloy na matuto ng higit pa.
Doxology: Paghihirap ng Tao at mga Isyu sa Kalusugang Pangkaisipan
Sa aking pagbisita sa Pambansang Museo, nakilala ko ang makapangyarihang eskultura ni Julie Lluch na Doxology na nagpapakita ng isang malakas na visual na salaysay ng pagdurusa ng tao at sikolohikal na pagkabalisa. Nilikha noong 1993, ang eskultura na ito ay naglalarawan ng sariling larawan ng isang babae na tila nasa bingit ng kamatayan, na napagtagumpayan ng mga problema, kasalanan, o karamdaman habang ang isa pang self portrait na rebulto ay nagmamakaawa o nananalangin para sa kapatawaran o suporta. Nagdudulot ng matinding kawalang-pag-asa na lumalabas sa pisikal na karamdaman at nakakaantig sa larangan ng mental at espirituwal na paghihirap. Ang hilaw na paglalarawan nito ng kahinaan ng tao ay nag-uugnay sa mas malawak na masining na pagsasaliksik ni Julie sa mga tema ng feminist at pakikibaka sa tahanan, na kadalasang nagbibigay ng boses sa mga karanasang hindi binabanggit sa lipunang Pilipino. Ang iskulturang ito ay kumakatawan sa damdamin at pagkabalisa ng mga krisis sa kalusugan ng isip, pati na rin ang pagbibigay ng pagpapahayag sa kinalabasan ng mga pakikibaka ng tao. Ang sakit sa pag-iisip ay nananatiling mabigat na stigmatized sa mga komunidad ng Pilipino na may kakulangan ng atensyon mula sa gobyerno na kadalasang tinitingnan sa pamamagitan ng moral o espirituwal na mga lente sa halip na medikal o sikolohikal na mga balangkas. Ang stigma na ito ay lumilikha ng mga karagdagang pasanin para sa mga nagdurusang, na posibleng magpapalala ng damdamin ng paghihiwalay at kahihiyan. Ang visual na wika ng eskultura ay nagsasalita sa karanasang ito ng pagiging nalulula hindi lamang ng mga panloob na pakikibaka kundi pati na rin ng paghuhusga at hindi pagkakaunawaan ng lipunan.
Ito ay sa pamamagitan ng nakikita ang kaharian ng Diyos ay nagsisimula ng mga umaasang posibilidad sa pakikisali at pagbibigay ng kamalayan sa mga problema sa kalusugan ng isip sa simbahan. Ang incarnational theology na makikita sa sculpture kung saan ang pagka-diyos ay matatagpuan sa loob ng kahinaan ng tao na nakaayon sa ministeryo ni Hesus ng pagpapagaling at misyon. Kung saan hinahamon nito ang Simbahan na kilalanin na ang pangangalaga sa kalusugang pangkaisipan ay katulad ng kung paano tinugunan ni Hesus ang parehong espirituwal at pisikal na mga pangangailangan, ang simbahan ay dapat na isulong ang accessible na pangangalaga sa kalusugang pangkaisipan, labanan ang mga problema sa lipunan na patuloy na nagpapalala sa mga hamon sa kalusugan ng isip at bawasan ang stigma na pumipigil sa mga tao na humingi ng tulong. Ang eskultura ay hinuhusgahan din ang makasaysayang at kontemporaryong mga pagkabigo ng simbahan sa pagtugon sa kalusugan ng isip kung saan ang mga relihiyosong komunidad ay may espirituwal na mga hamon sa kalusugan ng isip sa mga nakakapinsalang paraan, na binibigyang-kahulugan ang mga ito bilang demonyo lamang. Sa pamamagitan nito, ang mga problema sa kalusugan ng isip ay hindi binibigyang-priyoridad para sa praktikal na suporta at nabigo ang simbahan na kilalanin ang pangangailangan para sa propesyonal na tulong na nag-iiwan sa maraming mananampalataya na pumili sa pagitan ng sikolohikal na tulong o patuloy na tapat na mga panalangin, na humihiling ng pinagsamang halaga para sa parehong medikal na agham at suporta batay sa pananampalataya bilang mga mapagkukunan para sa pagpapagaling.
Sa pagbibigay ng mga aksyon para sa mga nauugnay at napapanahong isyung ito sa ating lipunan, dapat tayong magtatag ng mga grupong sumusuporta sa kalusugan ng isip sa loob ng mga programang batay sa pananampalataya at simbahan na nagpapahintulot sa parehong sikolohikal at espirituwal at sikolohikal na mga dimensyon ng pagpapagaling na kumikilala sa mga problemang ito nang may bukas na isipan sa halip na paghatol. Ito ay upang bumuo din ng mga collaborative na network ng pangangalaga na bumuo ng mga pakikipagtulungan sa pagitan ng mga simbahan at mga institusyong pangkalusugan ng isip upang magbigay ng accessible na pangangalaga. Bukod dito, kabilang dito ang pagho-host ng mga serbisyo sa pagpapayo at pag-aalok ng tulong upang kumonekta sa mga espirituwal na halaga at mapanatili pa rin ang mahusay na suporta sa isip. Ang lahat ng ito ay nakahanay, dapat nating ipatupad ang edukasyon tungo sa mga isyung pangkaisipan dahil malaki ang epekto nito sa lipunan at kasama ang paglaban sa mga mapaminsalang maling akala na nag-aangat sa pananampalataya ng mga taong may mental na kalusugan at kanilang mga paniniwala. Sa huli, ang pagtataguyod para sa sistematikong pagbabago sa mga patakaran upang mapabuti ang pag-access sa pangangalaga ng kalusugang pangkaisipan, dapat nating gamitin ang moral na boses nito upang humiling ng mas mahusay na mapagkukunan ng kalusugan ng isip para sa mga nasa marginalized at saradong komunidad.
Sa mga ipinatupad na pagkilos na ito na pumapalibot sa kalusugan ng isip ay nananatiling makapangyarihan sa loob ng maraming komunidad ng relihiyon, na posibleng nililimitahan ang paglahok sa mga programa ng suporta. Ang paglaban na ito sa pagsasama ng sikolohikal na agham sa espirituwal na pangangalaga ay maaaring lumitaw mula sa mas konserbatibong mga sektor na may limitadong mga mapagkukunan at propesyonal na kadalubhasaan ay maaari ring makahadlang sa kung ano ang maaaring makatotohanang maiaalok ng mga kongregasyon. Sa mga pagkakataong lumago ang kamalayan sa mga pangangailangan sa kalusugan ng isip partikular na sa mga kabataan ay lumilikha ng higit pang mga pagbubukas para sa simbahan at mga programang nakabatay sa pananampalataya upang matugunan ang mga isyung ito nang mas bukas at tumugon nang mahabagin sa mga pangangailangan sa kalusugan ng isip at ipakita ang kaugnayan ng pananampalataya pagdating sa personal na pagdurusa at bumuo ng mas malalim na mga pagpapahalaga sa komunidad at mas maunawaan. Iminumungkahi nito na ang pagbuo ng bukas at ligtas na mga komunidad ay patuloy na tumutulong sa pag-navigate sa mga pakikibaka at hamon na ito. Masasabing sa pamamagitan ng mga hakbang na ito ay masusuri natin ang pag-unlad tungo sa suporta para sa kamalayan at suporta sa kalusugan ng isip sa publiko.
Sa pagdiriwang, inaasahan namin ang lumalagong kilusan ng pananampalataya sa mga marginalized na komunidad na sineseryoso ang kalusugan ng isip at ipinagdiriwang ang mga miyembro ng simbahan na hayagang nagsasalita tungkol sa kalusugan ng isip at mga lider ng relihiyon na nagtataguyod para sa mas mahusay na mga patakaran sa pangangalaga sa kalusugan ng isip. Ang mga artistang tulad ni Julie Lluch ay dapat ipagdiwang na lumikha ng mga puwang para sa pagninilay-nilay sa mahihirap na katotohanan at ang kalayaan sa pagpapahayag ng matinding emosyon at mga isyu na naaayon sa kanyang mga likhang sining. Ang pagkilalang ito ay sumusuporta sa mga talata sa Bibliya at banal na pagsasama sa pagdurusa at mga makasaysayang tradisyon ng panaghoy upang pagsamahin ang espirituwal na karunungan at bukas na pananampalataya. Ito ay nagpapaalala sa atin na ang mga hamon sa kalusugan ng isip ay hindi mga palatandaan ng kawalan ng pananampalataya ngunit bahagi ng pagiging isang tao kung saan tayo ay nilikha ng Diyos at pumapasok sa pamamagitan ni Kristo. Ang paglalagay ng mga halaga kung gaano tayo kahalaga bilang tao at kinikilala ang ating sarili bilang mga minamahal na anak ng Diyos. Sa pamamagitan ng mga tawag sa pagtuklas upang lumikha ng higit na mahabagin na mga komunidad, pagsamahin ang sikolohikal at espirituwal na pangangalaga, at itaguyod ang hustisya sa pangangalaga sa kalusugan ng isip. Habang tumutugon tayong mga tao sa hamon na ito, nakatagpo tayo ng pag-asa sa pagkilala na ang presensya ng Diyos ay natatangi sa pagdurusa, hindi bilang isang simpleng solusyon sa sakit kundi bilang pagsasama sa loob nito.
Si Bb. Brianna Loucille D. Jimenez ay isang mag-aaral ng Baitang 12 ng Saint Theresa's College of Quezon City sa ilalim ng strand ng Humanities at Social Sciences. Siya ang kasalukuyang nagsisilbi bilang Public Relations Officer ng Theresian Student Council at dati siyang Grade 10 Level Representative at Senior High School Secretary. Isa siya sa unang grupo ng estudyante na nagtungo sa Taiwan para sa LEAD Across Program upang patibayin ang relasyon ng kanyang paaralan sa Dominican International School, gayunman tatlong taon na siyang parte ng interaksyon ng kanyang paaralan kasama ang Obayashi Sacred Heart School ng Japan. Kasama sa kanyang pormasyon bilang lider ng Saint Theresa's College of Quezon City sumasailalim siya sa leadership training bawat taon kung saan nahahasa ang kanyang kasanayan sa komunikasyon pati na din ang kanyang kamalayan sa mga nangyayari sa mundo ngayon. Siya rin ay miyembro ng Sining Teresa at Theresian Publication kung saan it inataguyod niya ang kaniyang adbokasiya ng pananatili ng katarungan at kapayapaan sa kanyang komunidad sa paraan ng pagsulat at pagtanghal ukol sa mga sosyal isyu.
Mataas na ang araw sa langit pagdating ng aming bus sa Pambansang Museo ng Pilipinas, at sa isang kisapmata tila nawala ang antok sa aking mga mata at pawis mula sa init ng panahon noong natuklasan ko ang loob ng gusali ng Fine Arts. Sa aking pagbabalik-tanaw, nagkaroon naman na ako ng ideya sa halaga ng mga obra na nasa loob ng museo batay pa lamang sa mga pangalan ng mga kalsadang na daanan namin papunta katulad ng Padre Burgos Ave., A. Mabini St., at Roxas Blvd. na ipinangalan sa mga importanteng tao sa kasaysayan ng ating bansa ngunit napa bukas pa din ang aking bibig upang sumingap ng hangin noong nakita ko sa personal ang kagandahan ng mga obra at ng gusali kung saan lahat ito nanatili na ito sa personal. Ang bawat hakbang ng aking paa ay kusa na lamang habang ang aking leeg ay tumututol na sa aking nais na tumingin pa ng ilang segundo sa bawat sining kahit kinakailangan ng aming grupo na magpatuloy sa kabilang kwarto dahil hindi lamang maganda ang mga obrang nakasabit sa mga pader ngunit kitang kita sa mga ito ang karanasan ng mga Pilipino ng nakaraan: lalo na ang kanilang paghihirap noong panahon na may gera at noong nasa ilalim pa tayo ng kolonisasyon ng mga Espanyol, Amerikano, at mga Hapon. Ang dami dami ng linabag na karapatang tao noong panahon na iyon at nakikita ito sa madilim na kulay ng mga pininta ni Amorsolo tungkol sa ”Burning of Manila”at “Bataan”; ang kalagim-lagim na mga mukha ng mga patay sa “Tragic Lesson (Fall of Bataan)” ni Gene Cabera; ang sigaw ng asawa at iyak ng bata sa pagpatay at panggagahasa na ginawa ng mga sundalong Hapon sa “Rape and Massacre in Ermita” ni Diosdado M. Lorenzo at marami pang iba, hindi ko talaga na pigilan ang pag ikot ng aking tiyan o ang kilabot ng aking balat ng nakita ko ang mga ito. Labis din na wasak ang puso ko noong nakita ko ang huling obra na linista ko dahil ang kaharasan na ipininta ay nangyari sa mismong lupa kung saan ako nakatayo--bilang babae para bang na humahagulgol na ang aking puso at diwa sa lapag ng museo sa matinding pagkakaiba ng karanasan ng kababaihan sa Ermita ngayon kompera sa karanasan namin ngayon kung saan naglalakad lamang kami upang masilip ang mga obra sa museo. Ang sining nga ay imitasyon lamang ng buhay katulad ng sabi ni Plato at pinatunayan ito ng mga obra at ang mga datos mula sa Office of the the Historian ukol sa Philippine-American War kung saan 20,000 Pilipinong lumaban para sa bansa ang namatay--limang beses na higit pa sa namatay na Amerikano--at higit sa 200,000 na sibilyan naman ang yumao dahil sa gera, gutom, at sakit (Office of the Historian). Sa likod ng “payapa” nilang paraan ng kolonisasyon ang sabi ni Rodriguez na pagsunog ng mga komunidad ng mga Pilipino at labis na tortyur ng mga Pilipino. Gayunman, ang unang gamit ng mga Amerikano ng water torture ay sa Pilipinas sa mga Pilipino upang kuhanan sila ng impormasyon at parusahan kahit sa illegal ang paraan na ginamit nila (Vestal, 2017). Noong tayo ay sinakop ng mga Hapon, ang kababaihan natin ay hindi nila tinignan bilang tao pero bilang bagay sa kanilang kama na maari nilang gamitin at gahasain kung kailan nila ninais--higit sa 1000 na babaeng Filipino, ilan sa kanila ay 8 taong gulang lamang, ay nakaranas nito (Biglete, 2024). Madami sa kanila pagkatapos ng gera ay namatay dahil sa pisikal na pinsala na natamo nila o kung hindi man ay nagpakamatay sila pagkatapos dahil sa bigat at sakit na kanilang naranasan (Biglete, 2024). Ang ating mga sundalo ay nakaranas ng labis na paghihirap noong natalo sila sa Bataan noong 1942 at pinalakad sila ng mga Hapon mula sa Bataan hanggang Pampanga na walang pagkain, tubig, at medikal na tulong--10,000 Pilipino at Amerikanong sundalo ang namatay at ang mga nabuhay ay hindi pinakawalan hanggang 1945 (Remembering Bataan, n.d.). Huli, ang Espanya na sumakop sa atin ng 333 na taon kung saan isinailalim nila ang ating mga ninuno sa tortyur, at diskriminasyon.
Bilang Pilipino labis talaga ang galit na naramdaman ko tungo sa lahat ng ating mananakop ngunit ang humigit sa kanilang tatlo ay ang tungo sa mga Espanyol na tumungo sa ating bayan para sa tatlong dahilan: kayamanan, karangalan, at ang para sa Diyos sagakat kahit sila na mismo ang nagpakilala sa atin sa ating Diyos sila din ang lumabag sa Kanyang sampung utos na huwag magnakaw, huwag kang papatay, huwag mong pagnanasaang maangkin ang sambahayan ng inyong kapwa o anumang pag aari niya at ang pinakadakilang niyang utos na nakasulat sa Matthew 22:36-40 na mahalin ang iyong kapatid kung paano mo mahal ang iyong sarili. Nakakalungkot, nakakairita, at sobrang nakakadismaya dito ay hindi natapos doon ang pansamantala ng karapatang pantao ng mga Pilipino. Ngayon, hindi na ang ating mananakop ang nangunguna sa pagsasagawa nito: ang kapwa na natin Pilipino at at mas lalong nakakaska na ang mga opisyal natin na inaasahan natin na protektahan at bigyan tayo ng tapat na serbisyo ang mismong umaabuso sa ating mga kara6patang pantao sa pagpatay at pag tahimik sa ating mga boses. Ang War on Drugs o War on the Poor katulad ng tawag dito ni Maria Ressa sa kanyang dokumentaryo, a Thousand Cuts, na isinagawa ni dating Pangulo Rodrigo Duterte sa kanyang administrasyon noong 2016 hanggang 2022 ay nag bunga sa kamatayan 27,000 hanggang 30,000 (Pope, 2021) na Pilipinong mahirap at nasa laylayan sa kamay ng police dahil ang sabi sabi ay “gumagamit” at “nagbebenta” ng droga. Walang naging imbestigasyon o tamang proseso ukol dito (ICC Authorizes Investigation Into Philippines’ ‘War on Drugs,’ 2022) at dagdag pa dito ayon sa mga taong nag bigay testigo sa Amnesty International (2025) walang aresto ang nangyari simpleng binaril na lamang ang mga suspect sa kanilang bahay o nag sagaw sila ng late night raids kung saan pinasok ng police ang iba't ibang bahay upang maglagay ng droga na gagamitin nila bilang ebidensya laban sa mga “suspect” pagkatapos. Ang tugon lamang ng dating pangulo dito ay “Drugs are still flowing in. I'd like you to kill there. I'll back you up, and you won't get jailed” at “I approved the purchase of firearms and until now you haven't killed even one.” (Philippines’ Duterte Renews Call for Extrajudicial Killings, 2019). Subalit hindi ito tumigil dito, sa ilalim din ng administrasyon ni Duterte lumaganap ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) noong luwagan niya ang mga batas ukol sa sugal sa internet at ginawa niya itong legal sa ilalim ng Executive Order No.13 noong February 2017 na ang resulta ay ang malaking social at economic costs pero mas lamang pa din ang social cost dahil ayon nga kay Senador Gatchalian na hindi mabibigyang halaga sa pera ang buhay at dignidad ng mga biktima sa human trafficking, prostitusyon, at kidnapping na nangyari sa mga POGO Hub na ito (Social Costs of POGO Operations Outweigh Economic Benefits - Win Gatchalian, 2023; See 2025).
Sa pananaw ng Panginoon at ni Hesus, hindi tama na hindi na matapos tapos ang paghihirap ng karaniwang Pilipino sa ilalim ng may kapangyarihan--maging sariling atin man ito o isang dayuhan-- dahil nakikita natin sa ebanghelyo na Siya mismo ay tumayo para sa likas na dignidad ng bawat tao na regalo mula sa kanyang Ama kung kaya’t isinulong niya sa kanyang ministeryo ang pagmamahal, pagmamalasakit, at tapat na serbisyo sa kapwa (Pacem in Terris: An Overview, n.d.;‘Human Rights Is Center of Jesus’ Gospel,’ Says SU Theologian, n.d.). Ang simbahan ay sumasang-ayon din dito at nakikita ito sa sulat ni Pope John pagkatapos ng Pangalawang Digmaang Pandaigdig, ang Pacem in Terris, na dinidiin na ang dignidad ng bawat tao ay likas, hindi maaring labagin, at hinding hindi nawawala kaya dapat respetuhin natin ang isa't isa para sa isang payapa na mundo. Tumugma ang nakaraang pahayag sa isang diskusyon natin sa klase tungkol sa perspektibo ni Richard Mcbrien na si Hesus ang nagpalaganapng simbahan at nakikita ang kanyang pinapahalagahan.
Kaya, bilang isang Katoliko at Teresa na may kritikal na kamalayan sa nangyayari sa kanyang paligid, may alab sa puso para sa misyon, at bukas ang loob sa mahirap sa lahat ng aspeto, at sensitibo sa pangangailangan ng tao ay maging maalam ako sa kasalukuyang nangyayari sa bansa at siguraduhin ko na nagsasaliksik pa ako tungkol sa mga malalaman ko na balita para masuri kung makatotohanan ba ito o hindi. Pagkatapos, gagamitin ko ang impluwensiya ko sa aking mga kaibigan, pamilya, mga kakilala, at sa social media na makikalam tungkol sa mga isyu tungkol sa karapatang tao batay sa impormasyon na nakalap ko. Gayunman, gagamitin ko ang aking karapatan na magsalita at gagawin ko ang aking responsibilidad bilang mamayan ng Pilipinas na siguraduhin na may check and balance ang mga tao sa gobyerno sa paraan ng pagpirma at pagbabahagi ng mga petisyon na nakikita ko tungkol sa paglabag ng karapatang tao para makuha ang atensyon ng gobyerno na tugunan ito. Sa parehong paraan, sasali din ako sa mga payapang protesta ngunit alalahanin ko lagi na suriin muna ang pinagmulan ng mga ito at kung ano ang ipinaglalaban ng mga ito. Alam ko na sa personal at maliit na paraan lamang ang mga magagawa ko at baka wala naman din itong magawang pagbabago sa dulo ngunit naniniwala din ako na makakatulong ang aking mga aksyon kahit sa isa man lang tao na makita na nakikita ko ang kanilang hirap at pagpupursigi tsaka sa dulo ang pagkuha ng atensyon at pakikialam ng ibang tao sa mga isyu ukol sa karapatang tao ay malaking hakbang na din kung iisipin natin na lagi na lang nakakalimutan ng mga tao ang pinaparanas na hirap ng may kapangyarihan sa ating mga Pilipino.
Si Bb. Ma. Sofia Lauren T. Valencia ay isang mag-aaral ng Baitang 12 mula sa Saint Theresa’s College of Quezon City. Para sa kanyang pinal na pagsusulit sa Baitang 11, siya ay nakapagsulat ng pananaliksik na pinamagatang, "Sino ba ako?": Pagsusuri sa Epekto ng mga "Coming-of-Age" na Kanluraning Pelikula sa Pagkakakilanlan ng Kabataang Pilipina sa Sarili at Kultura". Ginamit niya itong pananaliksik bilang pagpapalalim sa kanyang kaalaman sa mga karanasan ng mga kabataang Pilipina sa mga nauusong midya sa bansa. Kaugnay nito, noong siya rin ay nasa Baitang 11, si Bb. Lauren ay nahalal bilang pangulo ng Abante Agueda, isang organisasyong nakatuon sa pagtataguyod ng karapatan ng kababaihan. Bukod pa rito, siya ay nagsagawa ng isang seminar tungkol sa karapatan ng kababaihan sa mga mag-aaral ng Alay Kapwa Community School na matatagpuan sa Kristong Hari Parish. Sa kasalukuyan ay nasa ikalawang termino na siya ng kanyang pagkapangulo. Mula pagkabata hanggang pagtanda ay nagsilbing inspirasyon sa kanya ang kababaihang nababasa at napapanood niya noon sa kanyang pagtataguyod ng karapatang pantao ng lahat ng Pilipino, lalong lalo na ang mga nasa laylayan ng lipunan ngayon.
Lagi’t Lagi, Para sa Bayan
Ang tanging lugar na masasabi kong makikilala ko kaagad kahit nakasara ang mga mata ko, ay ang Maynila. Habang pasakay na kami ng bus, tiningnan ko ang paligid. Ang mga kalesang sumalubong sa aming pagdating, mga kotseng nagtipon tipon malapit sa Luneta, at ang katabi kong umidlip muna dahil sa maagang despidida ng aming sinasakyan. Noong mga oras na ito, masaya akong makita na nasasabik makarating sa pupuntahan namin ang mga kaklase kong unang beses pa lang nakalibot sa bahaging ito ng Metro Manila. Sa maraming paraan, kahit na matagal na akong nakatira dito, para bang katulad din ako ng aking mga kaklaseng higit na natutuwa sa pagkakataong binigay sa amin na makapunta sa Pambansang Museo. Unang yapak ko pa lamang sa Pambansang Museo ng Sining, at tila bang tumigil na agad ang mundo ko katulad ng mga pinapakita sa mga pelikula. Napaatras ako saglit upang mapagmasdan ko nang mabuti ang mga obrang dati-dati ay pinag-aaralan ko lang sa asignaturang Araling Panlipunan at ngayon sa CPAR.
Sa parehong museo, mayroon kaming napasukang gallery, ang Silvina at Juan C. Laya Hall. Nalaman ko na nakatuon itong eksibit sa paglalahad ng mga pininturahan ng mga Pilipino pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kung saan nakaranas ng sobra sobrang paghihirap ang bansa sa ilalim ng pananakop ng mga Hapon. Kaugnay nito, mayroon akong nakitang obrang hinding hindi ko malilimutan, ito ay pinamagatang “Rape and Massacre in Ermita” at nilikha ito ni Diosdado M. Lorenzo. Ipinakita niya rito ang kalupitan ng mga Hapon sa mga Pilipino maging bata at matanda, wala silang pinipili at wala silang kinikilingan. Ang kanilang maparahas na pamamalakad ay nagdulot ng panggagahasa at pagpatay sa libo libong katao na walang kalaban laban noong Pebrero hanggang Marso ng taong 1945 (GMA Public Affairs, 2014). Naubos ang mga Pilipino at walang tinira ang mga Hapon.
Sa kasalukuyang panahon, patuloy na tumataas ang kaso ng diskriminasyon sa kababaihan. Ayon sa pananaliksik ni Yoon and Bor (2020), makikita sa mga pambansang sarbey noong 2013 na kakaunti lamang ang humihingi ng tulong pagkatapos nilang makaranas ng sekswal na pang-aabuso. Bagkus bago magkaroon ng bagong konstitusyon, walang batas noon na nagpoprotekta sa kababaihan laban sa ganitong uri ng karahasan. Bukod pa rito, naging malaking salik ang kasarian at ang karaniwang pagtingin ng karamihan sa mga babae na katulong lamang sila ng mga kalalakihan sa pamilya. Kaya noong mabuo ang Konstitusyon ng 1987, nagsilbi itong malaking hakbang sa tamang direksyon na mula taong 1995 ay mas pinagtuonan na ng pansin ang karapatang pantao sa pagtataguyod ng mga batas tulad ng Republic Act (RA) No. 9262 o ang "Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004". Sa halip na magpatuloy ang sistematikong pagbabago sa bansa, mayroon pa ring mga pagkakataong nagkukulang ang pamahalaan at ang tao sa pagkakaroon ng respeto sa kapwa nilang Pilipino.
Bilang isang babae, dinadamayan ko ang mga kapwa kong babae na maaaring makaramdam na walang tutulong sa kanila. Sa patuloy na pagbabago ng lipunan, ang hirap makahanap ng mga taong nakakaintindi o pwedeng lapitan kapag nakaranas ka ng pang-aabuso o pang-aapi dahil kadalasan ay magagawa pa nilang isumbat na “dahil sa suot” o “hinayaan lang naman” ang mga ganitong pangyayari. Sa iilang saglit na binigay sa amin para tingnan ang obra, dito ko naalala ko ang kwento sa Bibliya, (John 8:3-12) kung saan may babaeng nahuling may ginawang pangangalunya. Naniwala ang mga pariseo na nararapat magtapon sila ng bato sa kanya bilang parusa ayon sa batas ni Moses ngunit sumagot si Hesus na huwag. Inanyayahan niya ang taong tignan muna ang kanilang mga sarili bago sila manghusga ng kanilang kapwa. Mula rito, makikita natin ang aral na nais ipabatid ni Hesus, ito ay ang pagiging mabuti sa isa’t isa.
Ayon naman sa kumperensiyang isinagawa ni Papa Francisco para sa International Women’s Month noong nakaraang taon, ibinahagi niya ang kahalagahan ng kababaihan sa Simbahan. “Sila ang bumubuhay at nagsusustento sa kani-kanilang mga pamilya at komunidad…Dapat isaisip ito ng Simbahan dahil ang Simbahan mismo ay isang babae: anak, asawa, at ina.” Makikita na higit pa sa kontribusyon ng mga babae, dito mapapaigting ang importansya ng pantay na pagtrato sa lahat, katulad ng hamon sa atin ni Hesus at ng Synodality (Romanowsky/CNA, 2024).
Malaking pagsubok na hinaharap ng kasalukuyang panahon ang pagbubura sa mga mahahalagang bahagi ng kasaysayan, kultura, at pananampalataya. Upang maresolba ito, ang unang hakbang na maaaring isagawa ay ang pagsusulong ng programang nagbibigay pansin sa consent at sekswal na edukasyon upang madaling maunawaan ng kabataan, anuman ang kanilang antas sa lipunan na mayroon silang karapatan sa kanilang katawan, at ang kanilang halaga bilang tao ay hinding hindi makukuha sa kanila. Ikalawa, kaugnay sa naunang programa, maaaring mas lalo pang palalimin ang pagtuturo ng kasaysayan sa loob ng paaralan. Malaking bagay ng ating buhay ang pakikialam sa mga pangyayaring humubog sa pagkatao natin ngayon bilang Pilipino at Kristiyano. Tinuturuan tayo ng Bibliya at ng ating pananampalataya na tumingin sa ating paligid, sa mga taong pinaka naaapektuhan ng mga suliraning umuusbong sa ating mundo. Kaya naman, ang huling hakbang na maaaring isagawa ay ang pagsuporta sa mga NGO o non-governmental organizations.
Bilang isang miyembro ng aking organisasyon sa KABALIKATAN, ang Abante Agueda, nasaksihan ko ang kabutihang nadudulot ng pakikipag-ugnayan sa mga NGO sa paraan ng kanilang patuloy na pagpapalaganap sa kanilang mga adbokasiya. Sa ganitong paraan, madaling mauunawaan ang kalagayan ng taong bayan, lalong lalo na ang kababaihan. Bagkus, ang pakikisalamuha sa kanila at sa kanilang komunidad sa pamamagitan ng immersion o mga outreach program mas natututo tayong maging mapanuri sa kanilang pananaw sa mga pangyayari ngayon. Nang sa gayon ay matutulungan natin silang makamit ang mga adhikang nais nilang matamasa. Paalala ito sa atin ni Hesus na mahalin at protektahan natin ang bawat isa dahil lahat naman tayo ay may karapatang mabuhay nang mapayapa. Pagkatapos ng lahat, ang lagi nating babalikan ay ang mga solusyong nabuo natin nang magkasama, kaya mahalagang bigyan natin ng pansin ang ating sining, kultura, at kasaysayan dahil dito tayo huhugot ng ating lakas sa bawat pagsubok na ating haharapin.
Si Bb. Citrine Arabella R. Woo ay isang estyudante mula sa mataas na paraalan ng St. Theresa's College, Quezon City. Siya ay baitang 12 at nagaaral sa Humanities at Social Sciences (HUMSS) Strand. Nagseserbisyo siya ngayon bilang presidente ng organisasyon na REM-Tikas sa KABALIKATAN kung saan niya binibigyan ng buhay ang iba't ibang programa na nakatugon sa kalusugan at ang healthcare ng bawat indibiduwal. Noong baitang 11 sa kanyang termino bilang bise presidente ng REM-Tikas, inorginisa niya ang Basic Life Progam kung saan siya naging isang certified panuring first aid beginner na may hawak na valid card of competence at ang kakayahang magbigay ng mahalagang pagdalong medikal. Inorganisisa niya rin ang Barangay St. Domingo Outreach Program at Flood Donation Drive. Itinataguyod niya ang adbokasiya ng misyon, serbisyo, at katotohanan sa kapwa't tao sa. Siya ay Naging miyembro rin lamang siya ng Theresian English Alliance (TEA) noong baitang 11 kung saan niya binigyan ng halaga ang kanyang talento sa literatura at pagsusulat.
Replektibong Sanaysay sa “The Progress of Medicine in the Philippines” ni Carlos “Botong” V. Francisco
Sa lahat ng magagandang at malikhain na obra na matatagpuan sa Pambansang Museo ng Pilipinas, ang mural na tumimo sa akin at nag-iwan ng malalim na pagpapahalaga para sa sining at sa napakaraming interpretasyon maaaring ibigay sa bawat obra. The Progress of Medicine in the Philippines ni Carlos “Botong” V. Francisco na isang pintor at Pambansang Alagad ng Sining ay naglalarawan ng kasaysayan ng medisina sa pamamagitan ng isang mural na may apat na oil painting, bawat isa ay kumakatawan sa pagsasagawa ng medisina sa iba’t ibang panahon. Ang obrang ito ay nagsisilbing pagpupugay sa progresibong kasaysayan ng ating bansa sa pamamagitan ng pagpapakita kung paano tayo ay umunlad bilang isang lipunan, hindi lamang sa larangan ng medisina kundi bilang isang kabuuan. Ang pagmasid sa maingat na pagkakalikha ng mural gamit ang magiliw na kulay, matingkad na ekspresyon, at sinadyang pagguhit ng mga linya at ay nagbigay sa akin ng pakiramdam na tila nakikita ko, at kasabay na rin akong nakikibahagi, sa isang bagay na higit pa sa akin.
Mahalagang bahagi ng aking paglalakbay bilang senior high school student ang adbokasiyang itinaguyod ko para sa pag-unlad ng ating sistemang pangkalusugan. Ako ay kasalukuyang nagsisilbi bilang pangulo ng aking KABALIKATAN group na REM-Tikas matapos munang magsilbing bise presidente. Ang paghawak ng mga posisyong ito sa isang organisasyong taos-puso na nagtataguyod ng aksesibilidad ng pangkalusugan at ang pagtingin sa isang mural na naglalarawan ng kasalimuotan ng pag-unlad ng medisina ay nagbunsod sa akin ng personal na pagninilay. Sa unang obra sa apat, ipinapakita ang panahong pre-kolonyal. Nang mas makilala ko pa ang mural na ito, ito ang naging paborito ko sapagkat nagbibigay ito ng parangal sa kulturang Pilipino noong atin pa ito, bago pa dumating ang mga mananakop. Isinilang dito ang imahe ng isang babaylan na nakataas ang mga kamay, pinangungunahan ang isang ritwal ng pagpapagaling. Nagniningas ang apoy para sa sakripisyong inihandog na baboy at ang mga tao, pinangungunahan ng kanilang datu, ay nakapalibot sa may sakit. Ang detalyeng makikita sa ekspresyon ng babaylan at ng maysakit ang siyang higit na tumatak sa akin nang una ko itong masulyapan kahit hindi ko lubusang nabasa ang kabuuang paglalarawan ng mural. Ang pagkakita sa larawang ito ang nagdala sa akin upang magnilay tungkol sa mas malalim na katotohanan tungkol sa pananampalataya, na nagpapaalala kung paanong si Kristo mismo ay lumapit sa mga nangangailangan sa Ebanghelyo.
Ang matinding kaibahan sa pagitan ng pananalig at pokus ng babaylan at ng kahinaan ng may sakit ay nagdala sa akin upang magnilay sa mga pagkakataon kung saan naroroon ang dinamika ng tagapagligtas at ng nagdurusa. Naalala ko si Kristo, ang Banal na Manggagamot, na sa Ebanghelyo ay kailanman hindi lumayo sa mga nangangailangan ng awa at kagalingan, tulad ng kwento ng paralitiko na ibinaba ng kanyang mga kaibigan mula sa bubungan upang mailapit siya kay Hesus. Hindi lamang pinagaling ni Kristo ang kanyang karamdaman kundi pinatawad din ang kanyang mga kasalanan, ipinapakita na ang tunay na kagalingan ay hindi lamang para sa katawan kundi para rin sa kaluluwa. Sa mural na ito, nakita ko kung paanong ang mga pamayanan na may kakaunting yaman ay patuloy na pinanghawakan ang dangal ng tao sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa buhay at sa lahat ng kanilang makakaya ay pinipilit na ito’y iligtas, isang paniniwala na sumasalamin sa mga Aral Panlipunan ng Simbahan. Ngunit sa kasalukuyan, napakaraming buhay ang nawawala o napapabayaan dahil sa kakulangan ng akses sa serbisyong medikal, iniiwan ang mga pamilya na baon sa utang at kalungkutan, nagiging sanhi ng isang paulit-ulit na siklo ng paghihirap na sumisira sa dangal ng tao. Sumagi sa aking isipan ang mga pangunahing prinsipyo ng Aral Panlipunan ng Simbahan: ang kabanalan ng dangal ng tao, ang tawag sa pagkakaisa, at ang pagbibigay-pansin sa mga dukha. Ang pangangalaga sa kalusugan ay hindi lamang isang serbisyo kundi isang moral na pananagutan na ipinagkatiwala sa atin ng Diyos, at sa pag-unawang ito, lalo kong nararamdaman ang tawag upang ipaglaban ito, hindi lamang bilang isang mamamayan kundi bilang isang Kristiyano. Katulad ng pagtaas ng kamay ng babaylan upang magpagaling, hinahamon din tayo na isabuhay ang parehong paninindigan sa modernong panahon, upang ang ating pakikitungo sa maysakit at mahihina ay mamutawi sa habag at kabuuang pagpapagaling.
Bunga ng pagninilay na ito, aking napagtanto na tinatawag ako ng pananampalataya hindi lamang upang makita at suriin kundi upang tumugon sa pamamagitan ng pagkilos. Katulad nina Kristo at ng babaylan na nagsilbing kasangkapan ng pagpapagaling, nararamdaman kong ako man ay tinatawag upang ipagtanggol ang dangal ng buhay at siguraduhin na walang maiiwan sa oras ng sakit at pagdurusa. Sa aking karanasan bilang lingkod pinuno, nauunawaan ko na ang aking tungkulin ay higit pa sa pagkakaroon ng posisyon, ako ay tinatawag upang isabuhay ang aking adbokasiya. Maaari akong magsimula sa pamamagitan ng pamumuno ng mga kampanya sa kamalayan sa aking paaralan at komunidad upang turuan ang iba tungkol sa kahalagahan ng aksesibleng serbisyong pangkalusugan at ang dangal ng bawat tao. Maaari rin akong mag-organisa ng maliliit na fundraising na makatutulong magbigay ng pangunahing tulong medikal para sa mga nangangailangan, habang patuloy na nakikipagtulungan sa mga organisasyong may parehong layunin. Sa loob ng aming grupo, sisikapin kong bigyang-lakas ang bawat miyembro sa pamamagitan ng paghikayat sa kanilang pakikilahok sa mga proyektong isinasabuhay ang habag at paglilingkod, upang ang aming adbokasiya ay hindi manatiling ideya kundi maging konkretong realidad. Higit sa lahat, ipapangako ko na ako mismo ay magiging halimbawa ng malasakit at pananagutan, laging alalahanin na tinatawag ako ng aking pananampalataya upang ipagtanggol ang buhay, ang dangal, at ang pangangalaga sa maysakit.
Sa pagtingin sa mural sa konteksto ng kasalukuyan, hindi ko maiwasang mapansin kung paanong ang halaga ng dangal ng tao ay nananatiling nakataya, lalo na sa usapin ng pangkalusugan. Ang babaylan at ang kanyang pamayanan, kahit kakaunti lamang ang kanilang yaman, ay ginawa ang lahat upang mapanatili ang buhay at igalang ang halaga ng maysakit. Sa kabilang banda, ang modernong lipunan natin na sagana sa kaalaman at teknolohiya ay hinahayaan pa ring maraming tao ang magdusa at mamatay nang walang sapat na pag-aaruga. Sa Pilipinas, maraming pamilya ang nababaon sa utang o napipilitang tiisin ang mga karamdaman dahil masyadong mahal at hindi abot ang serbisyong medikal. Napakatingkad ng kontradiksiyong ito: ipinapakita ng mural ang isang pamayanang nagsikap upang iligtas ang buhay kahit kakaunti ang hawak nila, ngunit sa kasalukuyan, ang ating lipunan ay madalas nabibigo sa pagprotekta ng buhay kahit napakarami nating yaman. Ang pagsusuri sa katotohanang ito ang nagtutulak sa akin na tanungin kung tunay nga ba nating pinapahalagahan ang dangal ng bawat tao o ang pangangalaga sa kalusugan ay naging pribilehiyo lamang ng may kakayahang magbayad.
Ang pagninilay sa The Progress of Medicine in the Philippines ay nagbigay sa akin ng pag-unawa na ang sining ay hindi lamang nagsasalaysay ng kasaysayan kundi tuwirang nakikipag-usap sa ating mga buhay. Ang pagmasid sa babaylan at ang pag-alala kay Kristo bilang Banal na Manggagamot ay nagpapaalala sa akin na ang pagpapagaling ay hindi lamang tungkol sa medisina kundi tungkol din sa pagpapanumbalik ng dangal, pagmamahal, at habag. Hinamon akong suriin ang aking sarili at itanong kung paano ko rin maaaring maging kasangkapan ng pagpapagaling sa aking mga simpleng paraan. Bilang pangulo ng REM-Tikas, batid kong may responsibilidad akong maglingkod, ngunit higit pa sa isang posisyon, ito ay tungkol sa pagsasabuhay ng aking pananampalataya sa pamamagitan ng pagpapakita ng awa at malasakit sa kapwa. Ang mural na ito ay nag-iwan sa akin ng pagnanais na dalhin ang aral nito lampas sa silid-aralan, upang patuloy na pumili ng habag, tumindig para sa dangal ng tao, at hayaang ang aking mga gawa ay magsilbing salamin ng mapaghilom na pag-ibig ng Diyos sa mundong aking ginagalawan.