Sa bahaging ito malalaman natin kung paano gagamitin ng isang Cashier ang ating POS. Dito makikita dito ang mga ginagawa sa POS bago at pagkatapos ng shift.
Bago magsimula, paalala lamang na ang POS Code ng bawat Cashier ay HINDI pwedeng gamitin ng ibang tao. Ito ay CONFIDENTIAL at para lamang sa Cashier na nagmamay-ari ng code. Tandaan lang din na hindi pwedeng gamitin ng bagong Cashier ang code ng isang resigned Cashier.
Ang SOD ay mangyayari isang beses lamang sa isang araw. Ito ay ginagawa bago magsimula ang FIRST SHIFT Cashier o kung first time gagamitin ang POS sa nasabing araw.
Ang Sign On ay ginagawa bago magsimula ang shift. Pwede itong mangyari dalawa (2) or tatlong (3) beses sa isang araw depende kung ilang shift ang station.
Ang Sign Off ay ginagawa kapag tapos nang ma-print ng Cashier ang lahat ng mga kailangang reports. Kagaya ng Sign On, dalawa (2) or tatlong (3) beses itong pwedeng mangyari sa isang araw depende kung ilang shift ang station.
Kagaya ng Start of Day (SOD), ang End of Day o EOD naman ay mangyayari isang beses sa isang araw. Ito ay ginagawa ng last shift Cashier o kapag tapos nang gamitin ang POS sa nasabing araw.
Kagaya ng EOD, ang OS Shut Down ay ginagawa pagkatapos ng last shift Cashier. Ang process na ito ay para lamang sa stations na may 2 shifts at hindi applicable para sa mga 24hours na station. Ang hindi paggawa ng OS Shut Down ay maaring dahilan o simula ng pagkasira ng POS.