Ang Forecourt Menu at ang Manager Menu ang karaniwang ginagamit sa POS Screen. Bago panoorin ang mga videos, alamin muna natin ang mga makikita dito.
Sa forecourt menu makikita ang mga sumusunod:
Operator Display
Dito makikita ang mga current transactions kagaya ng product, liters, amount ng transaction at ang amount na babayaran ng customer. Makikita din dito ang mga guide at error message kaya ugaliing tignan ang area na ito sa POS Screen.
Pump Display
Ito ang area ng POS kung saan pwede ma-monitor ang activity ng bawat pump. Tandaan na ang kada pump ay may limit lamang na 3 transactions. Kung ito ay umabot na sa 3 transactions, kailangan na ito i-settle para makapag-dispense ng fuel.
Makikita sa baba ang isang picture na may iba’t-ibang kulay ang bawat pump.
Green - ongoing ang pag-dispense ng fuel sa pump.
Red - naka-lock ang pump dahil umabot na ito sa kanyang limit na 2 transactions. Kailangang i-settle ng cashier ang pump na ito para maka-dispense ulit .
White - idle o walang transaction na nangyayari sa pump.
POS Keys
Ito ang iba’t-ibang POS keys na ginagamit ng Cashier. Ang mga function ng keys na ito ay makikita sa mga videos sa training portal na ito.
Makikita pa rin ang Operator and Pump Display sa Manager’s Menu ngunit ibang keys na ang makikita dito.