Magandang araw, SEAOILER! Welcome sa training portal para sa ating POS. Ang layunin ng ating POS Training Portal ay ang mga sumusunod:
Malaman ang wastong paggamit ng POS sa station.
Malaman ang mga iba't-ibang transactions na possibleng mangyari sa station.
Maihanda ang sarili sa paggamit ng POS sa station.
Para official na masimulan ang pagaral ng training portal na ito, magsubmit muna ng attendance form. Ang mga personnel na nakapagkompleto ng training portal, pati ang pagsubmit ng lahat ng Google Forms, lamang ang mabibigyan ng POS User Codes.
Ang ating attendance form ay mangangailangan ng isang Employee ID. Kung ito ay hindi pa available, maari ninyong gamitin ang Trainee ID na binigay nung kayo ay nag Virtual Training para sa Basic Station Operations Training Program.
Kung kayo ay tapos nang mag-submit ng attendance form, i-click ang Next Step button.