2023 Programa ng PrimeTime sa Tag-init

Ang Departamento ng Mga Pinahabang Oportunidad sa Pag-aaral ng Pinag-isang mga Paaralan ng Distrito ng San Diego (SDUSD) ay nakikipagtulungan sa Mga Organisasyong Ka-partner ng PrimeTime upang mag-alok ng Programa ng PrimeTime sa Tag-init sa elementarya, UTK-8, at mga gitnang antas na paaralan na nag-aalok ng Mga Programang Pang-akademiko sa Tag-init ng SDUSD. Magbibigay ang Programa ng PrimeTime sa Tag-init ng nakaka-engganyong kapaligiran kung saan mapapatibay ng mga estudyante ang kanilang mga kasanayang pang-akademiko at makilahok sa masasayang aktibidad sa pagpapayaman sa mga larangan ng Sining, Agham, Musika at Athletics, habang pinapabuti ang kanilang mga kasanayang panlipunan. Ang mga estudyanteng lalahok sa Programa ng PrimeTime sa Tag-init ay bibigyan ng libreng masustansyang pagkain.

 

PARA TINGNAN ANG LISTAHAN NG MGA PROGRAMA NG PRIMETIME SA TAG-INIT AT MGA ISKEDYUL NG PROGRAMA, MANGYARING MAG-CLICK DITO;  MAPA MANGYARING MAG-CLICK DITO.

 

Lahat ng Programa ng PrimeTime sa Tag-init:  Martes, Hunyo 20 hanggang Miyerkules, Agosto 2, 2023 (Sarado ng Lunes, Hulyo  3 at Martes, 4)
 

Pagiging Karapat-dapat at Pagpapatala ng Estudyante:

Ang lahat ng kasalukuyang naka-enrol na estudyante ng SDUSD sa 2022-23 taon ng pag-aaral, UTK hanggang ikawalong baitang, na dumadalo sa Programang Pang-akademiko sa Tag-init ng SDUSD ay karapat-dapat na mag-aplay para sa Programa ng PrimeTime sa Tag-init. Tatanggapin ang mga aplikasyon para sa pakikilahok batay sa sistema ng rating na nakalarawan sa ibaba, kung saan ang mga walang tirahan/forster na estudyante ay tumatanggap ng pinakamataas na prayoridad na konsiderasyon. Kung lumampas sa kapasidad ang mga aplikasyon, maaaring ilagay ang mga estudyante sa isang waitlist hanggang sa maging available ang espasyo. Kailangang dumadalo ang mga estudyante sa Programang Pang-akademiko sa Tag-init ng SDUSD upang maging karapat-dapat na lumahok sa Programa ng PrimeTime sa Tag-init.

 

Timeline ng Paunang Aplikasyong (Lunes, Pebrero 6 hanggang Biyernes, Marso 3, 2023):

Ang mga aplikasyon ay magiging available online simula Lunes, Pebrero 6, ng 8:00 ng umaga (Pacific Standard Time) at dapat makumpleto at maisumite online sa Biyernes, Marso 3, ng 11:59 ng gabi (Pacific Standard Time) upang maisaalang-alang sa paunang proseso ng pagpapatala. Patuloy na tatanggapin ang mga aplikasyon pagkatapos ng petsang ito kasunod ng parehong proseso sa ibaba na may mga binagong petsa.


Sistema ng Rating ng Aplikasyon
Ang mga nakumpletong aplikasyon na isinumite sa takdang panahon sa paunang timeline ng aplikasyon ay susuriin para sa unang panahon ng pagpapatala. Ang mga bata ay tatanggapin para makilahok batay sa sistema ng rating ng aplikasyon na nakadetalye sa ibaba, hanggang sa kapasidad para sa bawat programa ng paaralan. Kapag naabot na ng PrimeTime ang kapasidad nito, ang mga batang hindi tinanggap para makilhok ay ilalagay sa isang listahan ng naghihintay (wait list), sa parehong pagkakasunod-sunod ng prayoridad, at tatanggapin kapag available na ang espasyo. Ang bawat aplikasyon ay uunahin gamit ang sumusunod na sistema ng rating:

Sambahayan ng solong magulang O mga pamilya na may isang 

magulang/tagapag-alaga na kasalukuyang nasa military deployment 1 Puntos

(maaaring kailanganin ng kopya ng mga order kapag hiniling).


Lahat ng magulang/tagapag-alaga na naninirahan kasama ang bata

 ay nagtatrabaho nang buong oras (40 oras bawat linggo) at/o full time 1 Puntos

 na mga estudyante (naka-enrol na may hindi bababa sa 12 unit).


Bata na inirerekomenda para sa tulong pang-akademiko ng Distrito, 

batay sa Report Kard na Nakabatay sa Mga Pamantayan (Standards 1 Puntos

Based Report Card) para sa antas ng elementarya at mga grado ng 

kurso para sa gitnang antas.


Batang lumalahok sa Libreng/Pinababang Preso ng Pagkain na programa 1 Puntos

ng Pinag-isang mga Paaralan ng Distrito ng San Diego, batay sa data na 

ibinigay ng Distrito.


Kabuuang Puntos na Posible 4 na Puntos

 
Ang mga estudyante na karapat-dapat na walang tirahan o nasa pangangalaga ng foster ay makakatanggap ng pinakamataas na prayoridad para sa pagpapatala kapag nag-aaplay.

Abiso ng Magulang/Tagapag-alaga sa Katayuan ng Aplikasyon (sa Marso 24, 2023):

Ang mga estudyante na may pinakamataas na prayoridad na tinanggap sa programa ay aabisuhan sa pamamagitan ng email tungkol sa katayuan ng kanilang mga aplikasyon sa Biyernes, Marso 24. Ipapaalam ng email sa mga pamilya kung ang kanilang (mga) anak ay tinanggap na lumahok, inilagay sa listahan ng naghihintay, o hindi karapat-dapat. 

 

Proseso at Timeline ng Pagpaparehistro ng mga Tinanggap na Estudyante (sa Biyernes, Abril 28, 2023):

Sa sandaling matanggap ng magulang/tagapag-alaga ang abiso sa pagtanggap, kakailanganin nilang i-print at kumpletuhin ang Mga Form sa Paglahok ng Estudyante sa 2023 Programa ng PrimeTime sa Tag-init. Ang mga nakumpletong form ay kailangang isumite sa elektronikong paraan sa pamamagitan ng email sa Biyernes, Abril 28, upang makasali sa Programa ng PrimeTime sa Tag-init simula Martes, Hunyo 20. Mangyaring isumite ang Mga Form sa Paglahok ng Estudyante sa Organisasyong Ka-partner ng PrimeTime na nagbibigay ng Programa ng PrimeTime sa Tag-init sa paaralan kung saan binabalak na daluhan ng iyong anak ngayong tag-init.

 

Patakaran Sa Pagdalo
Alinsunod sa Seksyon 8483(a) (1) ng California Education Code na nagbibigay ng pagpopondo para sa PrimeTime, hinihikayat ang mga estudyante na lumahok sa programa araw-araw.  

Karagdagang Impormasyon
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa PrimeTime sa paaralan ng iyong anak, makipag-ugnayan sa Ka-partner ng PrimeTime na nagbibigay ng mga serbisyo. Mag-click dito para sa Impormasyon sa Pakikipag-ugnayan sa Ka-partner ng PrimeTime. Para sa mga tanong tungkol sa pangangasiwa ng programa, mangyaring makipag-ugnayan sa isa sa aming Kawani ng Suporta ng SDUSD.