HAMAKA E-Journal
ISSN 2782-9324
ISSN 2782-9324
Ang HAMAKA ay ang opisyal na dyornal pangmag-aaral ng Samahan ng mga Mag-aaral ng Kasaysayan – PNU. Ito ay isang bilingual student peer-reviewed e-journal na inililimbag taunan ng Samahan upang itampok ang mga papel di-gradwado ng mga mag-aaral ng Kasaysayan at mga kapanalig na disiplina at larangan sa Agham Panlipunan. Pangunahing mga tema ng mga artikulong nakapaloob sa taunang isyu nito ay kasaysayan, pilosopiya, kultura, pamana, panitikan, wika at pedagohiyang Pilipino para sa Pilipino.
INILILIMBAG NG
Samahan ng mga Mag-aaral ng Kasaysayan - PNU
Ang Opisyal na Samahang Pangkasaysayang
Pangmag-aaral ng Pamantasang Normal ng Pilipinas
104, Taft Ave, Ermita, Manila,
1000 Metro Manila
pbossamaka.pnumanila@pnu.edu.ph
Sa patuloy na pagsisikap ng Samahan ng mga Mag-aaral ng Kasaysayan - PNU (SAMAKA-PNU) na itaguyod ang puspusan at tuluyang intelektwalisasyon ng Samahan, datapwat nawala na ang pagpapakadalubhasa sa Kasaysayan sa Pamantasang Normal ng Pilipinas, at kapwa upang hubugin, hasain at gawing pamilyar ang mga kasapi nito sa gawain ng pananaliksik at paglilimbag ay nais nitong ilunsad, matapos ang tatlumpung taong pag-iral, ang kauna-unahang dyornal pangmag-aaral na magtatampok at maglilimbag ng mga pananaliksik, mga artikulo at iba pang akdang pampanitikan na nakikitaan ng kahusayan at pagtupad sa layunin ng Samahan na itaguyod ang intelektwalisasyon ng pagtuturo ng Kasaysayan sa bansa at ihatid ang mga aral nito sa bawat Pilipino upang luminang ng mga mabubuti, mapagkakatiwalaan at mapanagutang mamamayan.
Ang dyornal pangmag-aaral ng Samahan ay piniling pangalanang 'Hamaka' — salitang mula Kastila at ginagamit na rin ng mga Tagalog, na ang ibig sabihin ay duyan. Ang hamaka ay isang mahalagang uri ng transportasyon noon magpasa-hanggang ngayon lalo sa mga lugar na walang maayos na daan at mga sasakyan.
Mga Tomo