Ang website na ito ay tungkol sa mga lindol at kung ano ang dapat gawin upang maiwasang masaktan kapag may lindol.
Ang lindol ay sanhi ng isang mabilis na paglabas ng enerhiya na nang-gagaling sa ilalim ng lupa. Madalas, ang mga lindol ay sanhi ng pag-galaw ng fault sa ibabaw na bahagi ng mundo (crust). Ang enerhiyang lumalabas ay sumasanga sa lahat ng direksiyon mula sa kanyang pinanggalingan, ang pokus, sa anyo ng mga seismikong alon.
Ang anyo ng mga seismikong alon ay maihahalintulad sa anyo ng payapang tubig na hinulugan ng isang bato. Kahit na ang enerhiya ay mabilis na nababawasan habang ito ay papalayo sa pokus, may mga sensitibong kagamitan na nakatalaga sa iba’t ibang panig ng mundo para itala ang mga pangyayaring may kinalaman sa pagyanig ng lupa (seismograph).
MAGNITUDE
isang sukatan ng laki ng lindol at nananatiling hindi nagbabago sa layo mula sa lindol.
INTENSITY
naglalarawan sa antas ng pagyanig na dulot ng isang lindol sa isang partikular na lugar at bumababa nang may distansya mula sa epicenter ng lindol
Mga karagdagang impormasyon tungkol sa lindol at iba pa.