terminolohiya ng distance

education s.y. 2021-2022


1. DISTANCE LEARNING

a. ONLINE DISTANCE LEARNING - ito ay pag-aaral gamit ang internet, laptop at smart phones, maaaring synchronous (real time, ibig sabihin kailangan mong magonline sa oras ng iyong klase) o asynchronous (magoonline ka lamang pag may kakayahan ka na ayon sa time frame na binigay ng iyong guro)

b. MODULAR - ito ay paggamit ng mga learning modules na ibibigay ng paaralan na maaaring printed o electronic

c. PAGGAMIT ng TV o RADIO BROADCAST

Ang distance learning mode ay nangangailangan ng suporta ng magulang. Kung ang tanong ay paano ako magtuturo sa anak ko ay wala naman akong kakayahan, habang hinihintay po ang September 13 ay bibigyan po ng pagkakataon ang mga magulang o sinumang volunteer na i-capacitate ang sarili para dito. Ito ay sa pamamagitan ng trainings na ibibigay ng paaralan.


2. HOME SCHOOLING - mula sa salitang home, ang bata ay sa bahay lamang magaaral kasama ang magulang bilang guro.

Kung ang tanong ay paano naman po bibigyan ng marka ang mga bata - ang sagot ay maglalabas ang DepEd ng panibagong assessment tool.

Saan naman kukuhanin ang grades ng mga bata? Paano isasagawa ang assessment?

- sa DISTANCE LEARNING ay formative test ang ibibigay (hindi po graded ang formative) pero ang bata ay magtetest sa oras na pwede na at may pagkakataon na. Kaya po habang nasa bahay dapat ay mamaster ng bata ang skills na dapat niyang matutunan para sa pageexam niya kaya na niyang magsagot.

Anong skills ang ituturo sa bata?

- babawasan po ng DepEd ang learning competencies- magpo-focus po tayo sa Most Essential Learning Competencies (MELC)

Saan po kukuha ng mga learning modules? babayaran po ba?

- ito po ay provided ng paaralan...

Kung ipapagpaliban po natin ngayong taon ang pasukan dahil walang bakuna, sigurado po ba tayo na by next year may bakuna na? Paano po kung aabutin pa ng 2 o 3 o higit pang taon bago magkaroon ng bakuna? Ibig sabihin po ba ay 3 o higit pang taon hihinto ang ating mga anak sa pagaaral?

Tayo po ay binibigyan ng DepEd ng mga paraan upang hindi mahinto ang pagkakatuto ng ating mga anak. Kooperasyon at suporta lamang po ang kailangan.

At the end of the day, ang desisyon po kung ieenroll ninyo ang inyong mga anak this school year ay nasa inyo mga kamay.