Dapa, Surigao del Norte- Pagkilala at pagtanggap!
Ito ang sagot ng Special Needs Education (SNED) Koordineytor ,Glorian B. Ederosas nang tanungin kung ano ang dahilan kung bakit naisali ang Paralympics sa Siargao Division Athletic Meet (SDAM) 2024, Enero 25.
Ayon pa kay Ederosas, naisip niyang hindi sapat na turuan hanggang sa apat na sulok ng silid lamang ang mga SNED learners.
Karaniwang ang prosesong ipinapatupad sa rehiyon mula pa noon ay ang pag-appoint ng paaralang kakatawan sa ganitong palakasan,” wika pa ni Ederosas.
Dagdag pa niya, nang sabihin niya ito sa mga SPED Teachers ay agad sumang-ayon ang mga ito. Karaniwan sa mga gurong ito ay nais maipakita na mayroon silang kakayahan sa iba’t ibang larang.
“Kaya sabi ko sa kanila, bakit hindi natin gawin ang kompetisyon (paralympics) sa SDAM para malaman kung sino ang kuwalipikadong atleta para Regional Meet. We will deviate with usual practice which is just appointing schools who will represent a particular event or paragames (Tayo’y liliko sa karaniwang gawain na pagtatalaga na lamang ng paaralang kakatawan sa Paralympics),” dagdag pa ni Ederosas.
Idinagdag pa ni Gng Ederosas na ang pagkakaroon nito ay paraan ng pagsasabi sa komunidad (sa mga tao) na ang lahat ay may karapatang ipakita ang kani-kanilang kakayahan.
Pinaghandaan nina Ederosas kasama ang mga guro ng SNED ang puspusang pagsasanay ng mga atletang napabilang sa visually impaired,down syndrome, intellectual disability at autism na siyang maglalaro ng iba’t ibang paligsahan tulad ng atlectics,bocce at goal ball.
unang pagsali ng gawaing pang-isports
Ikinagalak ng Division SpED Coordinator , Glorian B. Ederosas, EPS ang pagsali ng humigit kumulang 46 na atletang mula sa mga paaralang nagpapatupad ng Special Needs Education (SNED) sa isinagawang Siargao Division Athletic Meet (SDAM 2024) , Siargao Island Sports Complex, Enero 25.
Layunin sa gawaing ito ay upang magiging kapaki-pakinabang ang bawat indibidwal kahit pa man mayroon itong kapansanan.
Ito ang naging paliwanag ni Gng Ederosas nang itanong sa kanya kung ano ang pangunahing rason ng pagsali ng mga nasabing mga mag-aaral.
Ang iba’t ibang gawaing pinaglalabanan sa taong ito ay ang mga sumusunod;bocce, athletics at goal ball.
Sa isinagawang pambukas na palatuntunan ng SDAM, binigyang-diin ng Tagapamanihala ng mga Paaralan , Dr. Karen L. Galanida na ang pagsali sa ganitong mga gawain ay nakapagpapaunlad ng kalusugang pampisikal at kakayahang mental ng isang indibiduwal.
Sinupurtahan ng ilang mga Public Schools District Supervisors na sina Joseph Solana; Dapa West District, Alda S. Minorca ;Gen Luna District ,Dr. Sarachen L. Sangco;Socorro East ,Ana Tomasita Espejon; Dapa East ,Emelie C. Pomoy,San Isidro at mga punung-guro ang nasabing mga atleta dahilan sa ang mga distritong ito ay nagbibigay -tugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral na ito.