Paghahanda para sa DSPC 2025, Sinimulan na sa RIS!
Ni: I
Sinimulan na ng Rosario Integrated School ang paghahanda para sa nalalapit na Division Schools Press Conference (DSPC) 2025, kung saan nagkaroon ng isang Mini Press Conference na nilahukan ng mga estudyanteng mamamahayag sa paaralan, nito lamang ika-15 ng Enero, 2025 sa AVR room.

Nagsilbing tagapagsalita si Bb. Ma. Pamela Fleha G. Pimentel, isang guro sa paaralan, sa nasabing conference kung saan tinalakay niya ang ilang paksa patungkol sa tema ng DSPC ngayong taon na, “Media for inclusion: Promoting Diversity Equality and Integrity through Campus Journalism.”
Ipinaliwanag ni Binibining Pimetel na layunin ng DSPC ngayong taon na gawing responsable ang mga estudyanteng mamamahayag sa paggamit ng media.
Binanggit rin ng guro na layunin ng Kagawaran ng Edukasyon na hubugin ang kasanayan ng mga mamamahayag sa pagsusulat, pagsasalita, at pamamahayag ng mga balitang walang kinikilingan at walang pinoprotektahan, at pawang katotohanan lamang ang ibibigay.
Sa ngayong pusposan na ang paghahanda ng mga mag-aaral para sa nalalapit na DSPC 2025 na gaganapin sa San Juan, La Union.