PINANGMULAN NG UNANG TAO SA PILIPINAS
Maraming mga paliwanang patungkol sa pinagmulan ng unang tao sa Pilipinas. Alin man ang totoo o pinapaniwalaan mo sa mga paliwanag na ito laging tandaan na igalang ang paniniwala ng kapwa o pangkat ng mga tao.
Mga Paliwanag sa pinagmulan ng unang tao sa Pilipinas:
Paniniwalang Panrelihiyon Ang paniniwalang ito ay base sa panrelihiyong paniniwala tulad ng isinasaad sa bibliya na ang unang tao sa mundo (sina Adan at Eba) ay nilalang ng isang makapangyarihang Diyos sa ikaanim na araw.
Mitolohiya ay sali-salimuot na kuwentong ang layunin ay magpaliwanag ng sagisag ng mahahalagang balangkas ng buhay. ( Halimbawa: Si Malakas at si Maganda).
Teorya Ang teorya ay isang pagsasalarawan o pagsusuri ng mga konsepto at prinsipyo na nagbibigay-katwiran o nagpapaliwanag sa isang partikular na pangyayari o phenomenon. Ito ay maaaring ituring na isang pangkat ng mga nasubok na mungkahi na ginagamit bilang mga prinsipyo ng paliwanag at prediksiyon. Sa konteksto ng kasaysayan, ang teorya ay nagmula sa salitang Griyego na "theoria," na nangangahulugang pagninilay o pag-aaral. (Halimbawa: Teorya ng Austronesian Migration at Teorya ng Core Population).