KASAYSAYAN
Malimit na napag-aaralan ang kasaysayan ng mga bagay at pangyayari ngunit hindi napag-aaralan ang kasaysayan ng kasaysayan mismo. Ano ang kasaysayan, at ano ang kahulugan ng kasaysayan? Nanggagaling sa salitang Griyego na historia na ang ibig sabihin ay inquiry, ang kahulugan ng kasaysayan ay ang pagkasunod sunod na pag-aaral sa nakaraan at kung paano ito nakaaapekto sa kasalukuyang panahon.
Ang kahalagahan ng kasaysayan ay hindi matatawaran sapagkat sa pag-aaral ng kasaysayan, nabibigyan tayo ng kaalaman upang makapaghanda sa hinaharap at makapag-isip ng solusyon sa mga problema.
Mapapasalamatan si Herodotus, ang ama ng kasaysayan, dahil siya ang nagpasimuno sa pagsusulat at pagkokolekta ng mga aktwal at tamang datos ng nakaraan sa masistemang paraan. Tanyag ang kanyang akdang The Histories, na nahahati sa siyam na parte.