PAG-UNLAD NG PAMUMUHAY NG MGA SINAUNANG PPILIPINO
Ibang-iba ang pamumuhay ng ating mga ninuno noong sinaunang panahon. Sila ay umaasa sa likas na yaman na kanilang nakuha sa kapaligiran. Pinatunayan rin ng ating mga ninuno ang kanilang kakayahan na makiangkop sa kanilang kapaligiran. Nagpalipat-lipat sila ng tirahan noong una. Nanirahan sila sa mga kuweba, sa gubat, malapit sa baybay-dagat o ilog upang mapadali ang kanilang pangangaso, pangingisda at pangangalap ng hayop at halamang kanilang makakain.
Ang pamamaraan ng pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino ay kanilang napagbuti sa paglipas ng panahon dahil sa pagkakatuklas at pagpapahusay ng paglikha nila ng mga bagay. Nakalikha sila ng mga bagong kasangkapan at mga bagong pamamaraan upang mapadali, mapagaan at mapabilis ang kanilang mga gawain sa pang araw-araw.Â
Mga Yugto ng pag-unlad ng pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino
Panahon ng Lumang Bato o Panahong Paleolitiko
Panahon ng Bagong Bato o Panahong Neolitiko