Guidance
Center
November is FILIPINO VALUES MONTH! “PAGPAPAHALAGANG PILIPINO: Pinagyaman at Pinatatag ng pamilya sa Panahon ng Pandemya”
Guidance
Center
SFMNHS GUIDANCE PROGRAM
Mr. Nico Diwa B. Ocampo
Guidance Designate
Ms. Ernalin Santos
Guidance Designate
Sa Guidance Office tinatalakay ang mga isyu na kinakaharap ng isang mag-aaral tulad ng kalusugang pangkaisipan, career guidance, relasyon, at ang kanyang kahinaan at kalakasan bilang tao, etc. Hindi ito isang lugar kung saan namamahiya at nagdidisiplina ang Guidance Counselor gaya ng paniwala ng karamihan. Ang Guidance Office ay isang ligtas na lugar upang magbahagi at mapag-usapan ang nararamdaman ng isang mag-aaral sa tulong/patnubay ng isang gurong gabay.
Ano ang pagpatnubay?
Ito ay ang paghahangad na matulungan ang isang indibidwal na maging pamilyar sa mga katotohanan sa kanyang sarili, mga kakayahan, interes, at mga plano sa pag-unlad.
isang tuloy tuloy na proseso ng pagtulong sa indibidwal na maunawaan ang kanilang sarili at kanilang mundo.
ito ay isang organisadong hanay ng mga mahahalagang serbisyo sa paaralan upang maitaguyod ang pag-unlad ng bawat mag-aaral
image from https://www.clinicalleader.com/doc/snapshot-a-new-guidance-document-program-from-the-fda-0001
Ano ang Counseling?
ang counseling ay isang personal na ugnayan sa pagitan ng isang propesyonal na may kasanayang tagapayo at isang taong naglalayong matulungan siya na matukoy at matugunan ang kanyang agarang pangangailangan at suliranin.
ay isang proseso na kung saan ang kliyente ay nakakaramdam ng kapayapaan at kaligtasan ng sarili sa piling ng tagapayo.
ay isang proseso ng pakikipag-ugnayan na nagpapadali sa makabuluhang pag-unawa sa sarili at kapaligiran.
ang Counseling ay hindi pagbibigay ng payo, hindi rin pagbabago ng kaisipan o pag-uugali sa pamamagitan ng paghimok o pamimilit.
sa halip ay magbigay ng kondisyon na makapagpapadali sa kusang-loob na pagbabago.
image from https://www.mindshealer.com/mental-health/importance-of-counseling/