Welcome to Sitero Francisco Memorial National High School ESP MATICapsule!

Ang "learning hub" na ito ay esklusibong binuo para makatugon sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao lalong-lalo na ngayong panahon ng pandemya. Ito'y magsisilbing tulay ng mga mag-aaral sa lubusang pagkatuto at upang mailapit sila sa kanilang mga guro sa EsP at mga serbisyo, programa at aktibidad ng paaralaan patungkol sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao.

Ikinagagalak namin na kayo ay mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya! Umaasa kami na makatutulong ito upang matuklasan pa ninyo ang inyong mga kakayahan at talento. Gayundin, matulungan kayong lumago bilang isang mabuting mamayang Pilipino na palaging isinasaalang - alang ang kabutihang panlahat sa bawat oras.

Maligayang paglalakbay!