ESP
Club
November is FILIPINO VALUES MONTH! “PAGPAPAHALAGANG PILIPINO: Pinagyaman at Pinatatag ng pamilya sa Panahon ng Pandemya”
ESP
Club
Dr. Alvin C. Urmaza
ESP Club Adviser
Ang ESP Club ay isang organisasyon na naglalayong ikintal sa mga kabataan ang mga mahahalagang pag-uugali na nawawala na sa mga kabataan dulot ng nagbabagong panahon at ng social media. Ilan sa mga ito ay ang pagkakaroon ng respeto sa kapwa, pagiging magalang, pagiging matapat, pagkakaroon ng takot sa Diyos at pagkakapantay-pantay.
Mahalagang gabayan at hubugin natin ang ating mga kabataan ng may tamang paguugali na dadalhin nila hindi lang sa kanilang paglaki ngunit maisasabuhay at maipapamana sa mga anak at mga kabataan sa susunod na saling lahi.
ESP CLUB OFFICERS
ESP CLUB ACTIVITIES
Ang ESP Club ay kumasa sa hamon Araw ng Pagbasa Challenge Drop Everything And Read na isinagawa noong ika-26 ng Nobyembre 2021, 9:00 am. Ang mga ESP Club Officers ay nag post sa kani-kaniyang social media account ng lawaran habang nagbabasa ng Bibliya. Ang pagbabasa ng Bibliya at pagsasabuhay sa mga turo at aral ng buhay ng Panginoong Hesukristo ang pinakamabisang sandanta upang makapamuhay tayo ng maluwalhati sa araw-araw lalong-lalo na ngayong panahon ng pandemya. Anumang unos at mga pagsubok na dumaan ay ating kakayanin basta't manalig tayo sa ating panginoong maykapal.
Panunumpa sa Katungkulan
December 3, 2021
Lumahok sa ginanap na panunumpa sa katungkulan ang ESP Club Officers na ginanap noong ika-3 ng Disyembre 2021, ika-10 ng umaga via MS Teams na may temang, " Pagbubuklod sa Pagtataguyod ng Edukasyon at Kaligtasan sa Pandemya. Ang nasabing programa ay lilahukan ng iba't-ibang clubs at organisasyon ng Sitero Francisco Memorial National High School. Ang programa ay pinangunahan ng punong-guro ng SFMNHS, Mrs. Ma. Christina C. Salonga at ni Valenzuela 2nd District Representative Congressman Eric M. Martinez.
ESP CLUB Organization Meetings
1st ESP Club Organizational Meeting
November 5, 2021
10:00am-11:00am
Via Google Meet
2nd ESP Club Organizational Meeting
November 26, 2021
2:00pm-3:00pm
Via Google Meet