MODULAR DISTANCE LEARNING : ISULAT SA LIKOD NG NOTEBOOK ANG SAGOT
1.1 Naisasagawa ang paglilinis ng bahay at bakuran EPPHE-0f-9
APRIL 29,2024
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:
Sa inyong tahanan ano-ano ang mga gawain sa paglilinis na ginagawa araw-araw? Lingguhan? Paminsan-minsan. Gawin ito sa likod ng iyong notebook.
APRIL 30,2024
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Lagyan ng tsek (/) kung ang isinasaad ng pangungusap ay wastong paraan ng paglilinis ng bakuran at ekis (x) naman kung hindi.
1. Ugaliin ang paglilinis sa loob at labas ng bakuran.
2. Tiyakin na ang mga basurahan ay may takip upang hindi pamahayan ng mga daga, langaw ipis at iba pang mga insekto.
3. Bunutin ang damong ligaw, siguraduhin lamang na kasama ang ugat nito upang hindi na tumubo ulit.
4. Diligan ang mga halaman araw-araw kung kinakailangan
5. Itapon ang basura nang magkakasama ang nabubulok at di nabubulok.
6. Sunugin ang mga nawalis na tuyong dahon sa inyong bakuran.
7. Piliin ang mga basura na maaring ipagbili o gamiting muli.
8. Isama sa compost pit ang mga nawalis na tuyong dahon sa bakuran.
9. Ang malinis na bakuran ay nagpapaganda sa ating pamayanan.
10. Gupitan ang mga halaman kung kinakailangan upang gumanda ang hugis at haba ng mga sanga at maging malusog ang halaman.
MAY 1,2024 ARAW NG MANGAGAWA O LABOR DAY
MAY 2,2024
PERFORMANCE TASK 2: Isagawa ang pagtulong sa paglilinis ng inyong tahanan at bakuran. Irecord/ Kuhanan ng larawan at Lagyan ng tsek (/) ang tseklist kung nasunod ang tamang pamamaraan sa paglilinis nito at Isulat sa papel
MAY 3,2024
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4:
Reflection: Ilahad ang naging karanasan at damdamin sa isinagawang paglilinis ng tahanan at bakuran. Isulat sa iyong sagutang papel.