MODULAR DISTANCE LEARNING : ISULAT SA LIKOD NG NOTEBOOK ANG SAGOT
MONDAY - TUESDAY NOTE TAKING (CAN BE SUMMARIZED)
Pagsasaayos ng mga payak na sira ng kasuotan
Ang pananahi ng sirang kasuotan ay isa sa mga paraan kung paano pangangalagaan ang ating mga kasuotan. Ikaw bilang isang batang nasa ikaapat na baitang mahalaga na alam mo ang mga kagamitan sa pananahi at ang gamit ng mga ito upang magamit mo sa tamang pagkakataon at sa tamang pamamaraan. Nagkakaroon ng pagkakataon na nakakaranas tayo ng problema dahil sa sira ng iyong kasuotan. Hindi kaaya-ayang tingnan ang kasuotan na may sira tulad ng tanggal na butones. Ang pananahi ng tanggal na butones ay madali lamang para sa iyo kung ikaw ay may wastong kaalaman sa pananahi nito.
Hindi magandang tingnan kung ang iyong damit ay kulang ng butones. Ang butones ay isang uri ng pansara sa bukasan ng kasuotan. Iba-iba ang hugis at kulay nito. Ito ay ginagamit na pansara kaya ito ay may katapat na butas.
May butones na flat na may butas ito ang tinatawag na two-hole button. Sa ibabaw ng tela ito tinatahi at nakikita ang sinulid. Mayroong ding shank button. Ito ay butones na tinatahi sa ilalim ng kabaligtaran ng damit. Kailangan ding ibagay ang kulay ng sinulid na gagamitin sa kulay ng damit na kukumpunihin.
Maghugas ng kamay bago humawak ng tatahiin. Iwasan ang paglalagay ng karayom at aspili sa bibig upang maiwasan ang anumang sakuna. Gamitin ang pin cushion bilang tusukan ng karayom at aspile. Ang haba ng sinulid sa karayom ay mas mainam kung hanggang siko lamang dahil kapag sobrang haba ng sinulid ito ay madaling magbuhol
May butones na flat na may butas ito ang tinatawag na two-hole button.
Mayroong ding shank button. Ito ay butones na tinatahi sa ilalim ng kabaligtaran ng damit.
Mga Kagamitan sa Pananahi at ang Gamit nito.
ito ang pangunahing kagamitan ng pananahi sa kamay.dapat magkasingkulay ang sinulid at ang damit na tatahiin at kailangan din na ang karayom ay laging matulis at walang kalawang.
ito ay ginagamit sa pagsusukat ng bahagi ng katawan ng tao at ng telang tatahiin.
ang gunting na gagamitin sa panggupit sa telang tatahiin ay kailangang laging matalas
ito ang kagamitan na isinusuot sa gitnang daliri ng kamay. Ito ay nagsisilbing pantulak sa karayom kung ang telang tinatahi ay matigas.
ito ay tusukan ng mga karayom at aspili upang hindi mawala
ang laman nito ay pinong buhangin at basag na plato. Ito ang nagsisilbing hasaan ng karayom at aspili
Batayan:
4 – Napakahusay
3 - Mas Mahusay
2 – Mahusay
1 – Hindi Mahusay