1.2 Naiisa-isa ang mga paraan ng pagpapanatiling malinis ng kasuotan. EPP4HE-ob-3
Ang malinis at maayos na kasuotan ay magandang tingnan. Ito’y nakatatawag-pansin kapag malinis at kaaya-aya. Bukod dito, ito’y ginagamit na pananggalang sa lamig, init, at ulan. Nararapat lamang na ingatan at pangalagaan ang mga ito.
Maraming paraan ang maaaring gawin upang maging malinis at maayos ang mga kasuotan. Kahit mura pa ang kaisipan, panahon na upang malaman mo ang wastong pangangalaga ng kasuotan.
Sa araw-araw na paggamit mo ng iyong kasuotan dapat lamang na pangalagaan mo ang mga ito. (1) Pagdating sa bahay, hubarin nang maingat ang iyong uniporme. (2) Ilagay ang maruming kasuotan sa isang sadyang laalagyan tulad ng ropero. (3) Huwag itong isampay sa likod ng silya o ilagay nalamang sa kahit saan sa iyong silid. (4) Labhan ang damit na namantsahan at napawisan. Ang damit na napawisan ay maaaring I hanger muna para mahanginan bago ilagay sa marumihan (5) Iwasang plantsahin ang may pawis na damit upang hindi magkaroon ng di-mabuting amoy ang katawan. (6) wsatong paglalaba at pamamalantsa ng kasuotan.
Ang batang katulad mo ay kailangang matutong maglaba at mamalantsa ng damit. Kailangan lamang na matutunan mo ang tamang paraan sa pagsasagawa ng mga gawaing ito. Ganun din ang pag-aayos ng mga kasuotan sa aparador ay kailangang alam mo na rin dahil ito rin ito sa mga paraan upang mapanatiling malinis ang mga kasuotan.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa iyong notebook.
1. Ano-ano ang wastong paraan ng pangangalaga
2. Bakit kailangang pangalagaan ang mga kasuotan?
3. Bakit kailangang labhan kaagad ang damit na namantsahan?
4. Paano mo masasabing ang iyong kasuotang nilabhan ay tiyak na malinis?
5. Bukod sa mga nabanggit, ano pa ang alam mong paraan ng pangangalaga ng kasuotan?
Gawain sa pagkatuto Bilang 2
Sa iyong notebook, kopyahin ang table at gawin ang checklist sa ibaba. Tukuyin kung ang mga sumusunod na paraan ng pangangalaga ng kasuotan ay Madalas mong ginagawa, Minsan lang o Hindi mo isinasagawa.