Ang Matalinong Pagdedesisyon
WELCOME GRADE 20 STUDENTS
Ang Matalinong Pagdedesisyon
Panoorin ang video sa ibaba upang makapunta sa kasunod na pahina
Maraming tao ang naghahangad ng pag-unlad sa buhay. Hindi ituturo ng ekonomiks kung paano maging mayaman o kumita ng maraming pera lalo na sa mabilis na paraan, subalit maaari kang maturuan ng ekonomiks na makabuo ng mga matalinong desisyon upang matupad mo ang iyong mga mithiin sa buhay. Ang mga konsepto ng trade off at opportunity cost ang una mong magiging hakbang upang makagawa ng mas magandang desisyon.
Karaniwan na sa isang tao na manghinayang matapos ang trade off. May mga tao na tumitingin sa opportunity cost kung kailan tapos nang mamili at magdesisyon. Madalas sinasabi natin ang katagang “kung ito na lang sana ang pinili ko, di sana…” kapag tayo ay nanghihinayang. Mahalaga na tumingin muna sa opportunity cost bago magdesisyon. Ito ang tinatawag na cost-benefit analysis, o ang pagtimbang sa maaaring maging opportunity cost at opportunity benefit ng gagawing desisyon. Binabawas muna ang opportunity cost sa opportunity benefit upang makita kung efficient ba ang gagawing desisyon. Kapag mas maraming pakinabang ang makukuha mula sa pagpili, o mas higit ang opportunity benefit kaysa opportunity cost, nangangahulugan na ang ginawang pagpili ay matalinong pagpapasya o marginal thinking. Sa pagpili ng kurso sa kolehiyo, sa pagbili ng bagong cellphone, sapatos, at damit, importanteng tingnan din ang benepisyo ng bawat options upang malaman kung ano ang handa mong isakripisyong value ng mga pagpipilian.
Basahin ang komiks. I-click ang > na arrow upang makapunta sa kasunod na pahina ng komiks.
Ang komiks ay nagpapahayag na kailangan munang isaalang-alang ang opportunity cost bago gumawa ng desisyon. Inaalam muna dapat ang value na maaaring mawala kung mas pipiliin natin ang iba pang bagay.
Sa pagnenegosyo, bago magdesisyon ang entrepreneur, siya ay gumagawa muna ng pag-aaral kung saan sila mas makatitipid sa kanilang gastusin sa pagnenegosyo habang kumikita ng mas malaki. Binabawas muna ang posibleng production cost (gastusin sa produksiyon) sa posibleng profit (kita o tubo) ng negosyo upang matukoy kung positibo o negatibo ang maaaring maging resulta ng gagawing desisyon.
Mahalagang isagawa ang marginal thinking at cost-benefit analysis upang maging maayos at masagana ang magiging takbo ng ating buhay. Kahit sa mga simpleng paraan o gawain maaaring maging efficient. Ang pagre-review habang kumakain sa time ng recess, o kaya nama’y paggawa ng face mask gamit ang lumang damit ay mga halimbawa nito. Dapat ding mas bigyang halaga ang pangangailangan kaysa kagustuhan. May pagkakataong bumibili tayo ng mga bagay na di naman natin nagagamit, o walang pangmatagalang gamit para sa atin.
Kung titingnan natin ang loob ng iyong bag, ano-ano sa mga nasa loob ang hindi mo madalas nagagamit?
Congratulations for completing the second lesson! Maaari ka nang ituring na Elite!
I-click ang Elite Badge upang makapag-RANK UP!!!