Alokasyon
Alokasyon
Alokasyon
Ang Alokasyon ay tumutukoy sa wastong pamamahagi ng limitadong pinagkukunang-yaman upang matugunan ang tila walang katapusang kagustuhan at pangangailangan ng tao. Ang aloksyon ay maaaring tumutukoy sa pagba-budget at pamamahala ng iba pang pinagkukunang-yaman upang ito ay magkasya at makatugon sa ating pangangailangan.
Tinalakay na rin sa nagdaang paksa ang tungkol sa trade off. Lahat ng tao ay nahaharap sa pagpili. Importante na maging matalino ang bawat tao sa alokasyon ng kanyang limitadong pinagkukunang-yaman. Gaya ng baon mo sa eskuwela, kailangan mo itong ibadyet at mapagkasya upang matugunan ang lahat ng iyong kailangan sa paaralan.
Kung titingnan natin ang buong ekonomiya, maraming pinagkakagastusan ang ating pamahalaan upang matiyak na matutugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan nito. Kinakailangan ng matalinong pagdedesisyon sa alokasyon ng badyet ng bansa upang hindi ito magkulang o masayang. Ang Department of Budget and Management (DBM) ang siyang nangangasiwa sa alokasyon ng pondo ng bansa, katulong ang iba pang ahensiya ng pamahalaan. Ang pinakamalaking bahagi ng ating badyet ay laging inilalaan sa edukasyon na pinangangasiwaan ng Department of Education, alinsunod sa itinatakda ng saligang-batas.
Hindi sa lahat ng pagkakataon, napaplano nang husto ang alokasyon. Kung minsan, may mga biglaang pangyari na nangangailangan ng agarang pagtugon kung saan dapat mong ibadyet ang iyong limitadong pinagkukunang-yaman. Importante ang marginal thinking sa pagsasagawa ng alokasyon. Upang mas maintindihan natin ang konseptong ito, ating basahin ang kasunod na comics strip:
Sa ating nabasang komiks, hindi sapat ang nabiling ulam ng pamilya ni Ecko na nagpapahayag ng limitadong pinagkukunang-yaman. Subalit ito ay nagawan niya ng paraan upang mapakain ang anim na miyembro ng pamilya at matugunan ang kanilang pangangailangan para sa hapunan. Ito ang halimbawa ng wastong pamamahagi ng limitadong pinagkukunang-yaman. Sa kaso ni Ecko, pinilit niyang mapagkasya ang kanilang uulamin kahit ito ay mukhang di sasapat sa kanyang pamilya gamit ang tinatawag na marginal thinking. Kung magiging matalino ang lahat sa pagpapasya, maaaring maisagawa nang wasto ang alokasyon. Nangangahulugan ito na ang alokasyon ang lumulutas sa problema ng kakapusan. Lahat ng tao ay humaharap sa kakapusan kung kaya importante ang pag-aaral ng alokasyon upang mapamahalaan natin nang wasto ang mga limitadong bagay na mayroon tayo.
Congratulations for completing the third lesson! Maaari ka nang ituring na Master!
I-click ang Master Badge upang makapag-RANK UP!!!