GRADE 7 IKALAWANG KWARTER WEEK 2
ARALIN 2:
Mga Tungkulin ng Bawat Kasapi ng Pamilya
Lilinanging Pagpapahalaga: Matiyaga (Perseverance)
Kasanayang Pampagkatuto: Nakapagsasanay sa pagiging matiyaga sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang sa mga
kahalagahan at kahihinatnan ng pagtupad sa sariling tungkulin sa pamilyang kinabibilangan.
RBB (Retrospect Batang Batangueno) Challenge: Ipamalas ang pagiging matiyaga sa pamamagitan ng pagpapahalaga at pagkilos nang may pagmamahal sa pamilya. Magsagawa ng angkop na kilos nagpapakita ng pagtupad sa mga tungkulin ng pamilyang kinabibilangan. Gumawa ng talaan ng tungkulin ng bawat miyembro ng pamilya. Magkaroon ng malayang talakayan sa klase upang maibahagi ang kasagutan ng mga mag-aaral.