Maligayang paglalakbay dito sa San Pascual National High School ESPMATICapsule.
Sa "learning hub" na ito ay may mga materyales ng guro at mga gawain para sa pag-aaral na makapagbibigay ng karagdagang tulong sa pag-aaral ng mga estudyante. Layunin din nitong magkaroon ng gabay mula sa guro o facilitator, mapaunlad ang kaalaman at kasanayan ng mga mag-aaral at magkaroon ng kolaborasyon o pagtutulungan sa pag-aaral.
Makatutulong din ang learning hub na ito upang magkaroon ang buong komunidad ng mas malawak na kamalayan sa mga makabuluhang gawain dito sa paaralan na may kaugnayan sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapahalaga (Values Education).
Umaasa kami na matuklasan at mas mapaunlad pa ng mga Batang San Pascualeno ang kanilang mga kakayahan at talento at matulungan silang lumago bilang isang mabuting mamayang Pilipino na palaging isinasaalang - alang ang kabutihang panlahat sa bawat oras. Maligayang paglalakbay!