GRADE 7 IKALAWANG KWARTER WEEK 1
ARALIN 1:
Pamilya Bilang Sandigan ng mga Pagpapahalaga
Lilinanging Pagpapahalaga: Maingat na Paghuhusga (Prudence)
Kasanayang Pampagkatuto: Nakapagsasanay sa maingat na paghusga sa pamamagitan ng palagiang pagsangguni sa
mga magulang o tagapangalaga tungkol sa mga karanasan kaugnay ng mga natutuhang
pagpapahalaga.
RBB (Retrospect Batang Batangueno) Challenge: Ipamalas ang maingat na paghuhusga sa pamamagitan ng pagkilos nang mapanagutan ayon sa mga pagpapahalagang natutuhan sa pamilya. Isagawa ang mga kilos na ito sa tahanan, paaralan at pamayanan.