Ang pagkakakilanlan ng isang Batang Batangueño ay nakaugat sa mga matitibay na pundasyong humuhubog sa ating pagkatao. Sa ilalim ng temang "Retrospect Batang Batangueño," ating itinatampok ang buhay na ugnayan ng kulturang "Barako" sa apat na haligi ng DepEd Core Values.
Dine natin pinatutunayan na ang bawat kabataang Batangueño ay nananatiling may takot at pagmamahal sa Maykapal (Maka-Diyos), may malasakit at paggalang sa kapwa (Makatao), marunong magpahalaga sa ganda at yaman ng ating kalikasan (Makakalikasan), at may matinding alab ng puso para sa pagsisilbi sa bayan (Makabansa). Ang tatak Batangueño ay hindi lamang isang pamagat, kundi isang buhay na realidad marangal, matapang, at laging nakatuon sa tamang landas ng edukasyon at karakter.