Ang Child Protection (Republic Act No. 7610) ay isang patakaran na naglalayong siguraduhin ang kaligtasan at kapakanan ng mga mag-aaral sa paaralan. Pinoprotektahan nito ang mga bata laban sa pang-aabuso, bullying, karahasan, diskriminasyon, at anumang uri ng pananakit o hindi tamang pagtrato.
Sa ilalim ng patakarang ito, tungkulin ng mga guro, kawani ng paaralan, at magulang na tulungan at pangalagaan ang mga bata. Kung may nangyayaring masama o hindi tama sa isang mag-aaral, dapat itong agad iulat sa guro o sa paaralan upang mabigyan ng tamang aksyon at proteksyon ang bata.