Maligayang paglalakbay sa San Pascual Central School EsP Learning Hub!
Ang learning hub na ito ay naglalaman ng mga aralin at gawain na makatutulong sa mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral ng Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP). Dito ay makakahanap kayo ng mga materyales na inihanda ng mga guro upang mas madaling maunawaan ang mga aralin at mapalawak ang kaalaman ng bawat bata.
Layunin ng learning hub na ito na gabayan ang mga mag-aaral sa paglinang ng magagandang asal, pagpapahalaga, at mabubuting gawain. Hinihikayat din nito ang pagtutulungan, pakikipagkaibigan, at paggalang sa kapwa habang natututo.
Nais din naming ipakita sa buong komunidad ang mga makabuluhang gawain ng mga mag-aaral sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao.
Umaasa kami na sa pamamagitan ng learning hub na ito, mas mahuhubog ang kakayahan at talento ng mga Batang Pascualeño at sila ay magiging mabuti, responsable, at makataong mamamayang Pilipino.
Maligayang pagkatuto at paglalakbay!