GABAY NG MAG-AARAL, TUNGO SA MAGANDANG BUKAS
IKALAWANG MARKAHAN
Modyul 5
Natutukoy ang mga taong itinuturing niyang kapwa
Nasusuri ang mga impluwensya ng kanyang kapwa sa kanya sa aspektong intelektwal, panlipunan, pangkabuhayan, at pulitikal
Nahihinuha na:
a. Ang tao ay likas na panlipunang nilalang, kaya’t nakikipag-ugnayan siya sa kanyang kapwa upang malinang siya sa aspetong intelektwal, panlipunan, pangkabuhayan, at politikal.
b. Ang birtud ng katarungan (justice) at pagmamahal (charity) ay kailangan sa pagpapatatag ng pakikipagkapwa
c. Ang pagiging ganap niyang tao ay matatamo sa paglilingkod sa kapwa - ang tunay na indikasyon ng pagmamahal.
Naisasagawa ang isang gawaing tutugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral o kabataan sa paaralan o pamayanan sa aspetong intelektwal, panlipunan, pangkabuhayan, o pulitikal
Modyul 6
Natutukoy ang mga taong itinuturing niyang kaibigan at ang mga natutuhan niya mula sa mga ito
Nasusuri ang kanyang mga pakikipagkaibigan batay sa tatlong uri ng pakikipagkaibigan ayon kay Aristotle
Nahihinuha na:
a. Ang pakikipagkaibigan ay nakatutulong sa paghubog ng matatag na pagkakakilanlan at pakikisalamuha sa lipunan.
b. Maraming kabutihang naidudulot ang pagpapanatili ng mabuting pakikipagkaibigan: ang pagpapaunlad ng pagkatao at pakikipagkapwa at pagtatamo ng mapayapang lipunan/pamayanan.
c. Ang pagpapatawad ay palatandaan ng pakikipagkaibigang batay sa kabutihan at pagmamahal. Nakatutulong ito sa pagtamo ng integrasyong pansarili at pagpapaunlad ng pakikipagkapwa.
Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang mapaunlad ang pakikipagkaibigan (hal.: pagpapatawad)
Modyul 7
Natutukoy ang magiging epekto sa kilos at pagpapasiya ng wasto at hindi wastong pamamahala ng pangunahing emosyon.
Nasusuri kung paano naiimpluwensyahan ng isang emosyon ang pagpapasiya sa isang sitwasyon na may krisis, suliranin o pagkalito
Napangangatwiranan na:
a. Ang pamamahala ng emosyon sa pamamagitan ng pagtataglay ng mga birtud ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili at pakikipagkapwa.
b. Ang katatagan (fortitude) at kahinahunan (prudence) ay nakatutulong upang harapin ang matinding pagkamuhi, matinding kalungkutan, takot at galit.
Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang mapamahalaan nang wasto ang emosyon.
Modyul 8
Natutukoy ang kahalagahan ng pagiging mapanagutang lider at tagasunod
Nasusuri ang katangian ng mapanagutang lider at tagasunod na nakasama, naobserbahan o napanood
Nahihinuha na ang pagganap ng tao sa kanyang gampanin bilang lider at tagasunod ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili tungo sa mapanagutang
pakikipag-ugnayan sa kapwa at makabuluhang buhay sa lipunan.
Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang mapaunlad ang kakayahang maging mapanagutang lider at tagasunod.