GABAY NG MAG-AARAL, TUNGO SA MAGANDANG BUKAS
UNANG MARKAHAN G7
Modyul 1
Natutukoy ang mga pagbabago sa kanyang sarili mula sa gulang na 8 o 9 hanggang sa kasalukuyan
Natatanggap ang mga pagbabagong nagaganap sa sarili sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata
NaipaliLiwanag na ang paglinang ng mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga / pagbibinata
Naisasagawa ang mga angkop na hakbang sa paglinang ng limang inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga / pagbibinata
Modyul 2
Natutukoy ang kanyang mga talento at kakayahan .
Natutukoy ang mga aspekto ng sarili kung saan kulang siya ng tiwala sa sarili at nakikilala ang mga paraan kung paano lalampasan ang mga ito
Napatutunayan na ang pagtuklas at pagpapaunlad ng mga angking talento at kakayahan ay mahalaga sapagkat ang mga ito ay mga kaloob na kung pauunlarin ay makahuhubog ng sarili tungo sa pagkakaroon ng tiwala sa sarili, paglampas sa mga kahinaan, pagtupad ng mga tungkulin, at paglilingkod sa pamayanan
Naisasagawa ang mga gawaing angkop sa pagpapaunlad ng sariling mga talento at kakayahan
Modyul 3
Natutukoy ang kaugnayan ng pagpapaunlad ng mga hilig sa pagpili ng kursong akademiko o teknikalbokasyonal, negosyo o hanapbuhay
Nakasusuri ng mga sariling hilig ayon sa larangan at tuon ng mga ito
NaipaliLiwanag na ang pagpapaunlad ng mga hilig ay makatutulong sa pagtupad ng mga tungkulin, paghahanda tungo sa pagpili ng propesyon, kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay, pagtulong sa kapwa at paglilingkod sa pamayanan
Naisasagawa ang mga gawaing angkop sa pagpapaunlad ng kanyang mga hilig
Modyul 4
Natutukoy ang kanyang mga tungkulin sa bawat gampanin bilang nagdadalaga / nagbibinata
Natataya ang kanyang mga kilos tungo sa maayos na pagtupad ng kanyang mga tungkulin bilang nagdadalaga / nagbibinata
Napatutunayan na ang pag-unawa ng kabataan sa kanyang mga tungkulin sa sarili, bilang anak, kapatid, mag-aaral, mamamayan, mananampalataya, kosyumer ng media at bilang tagapangalaga ng kalikasan ay isang paraan upang maging mapanagutan bilang paghahanda sa susunod na yugto ng buhay
Naisasagawa ang mga gawaing angkop sa maayos na pagtupad ng kanyang mga tungkulin sa bawat gampanin bilang nagdadalaga/nagbibinata