GABAY NG MAG-AARAL, TUNGO SA MAGANDANG BUKAS
IKA-APAT NA MARKAHAN G7
Modyul 13
Nakikilala na ang mga pangarap ang batayan ng mga pagpupunyagi tungo sa makabuluhan at maligayang buhay
Nakapagtatakda ng malinaw at makatotohanang mithiin upang magkaroon ng tamang direksyon sa buhay at matupad ang mga pangarap
Nahihinuha na ang pagtatakda ng malinaw at makatotohanang mithiin ay nagsisilbing gabay sa tamang pagpapasiya upang magkaroon ng tamang direksyon sa buhay at matupad ang mga pangarap
Naisasagawa ang paglalapat ng pansariling plano sa pagtupad ng mga pangarap
Modyul 14
NaipaliLiwanag ang kahalagahan ng makabuluhang pagpapasiya sa uri ng buhay
Nasusuri ang ginawang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay kung ito ay may pagsasaalang-alang sa tama at matuwid na pagpapasiya
Nahihinuha na ang pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ay gabay sa tamang pagpapasiya upang magkaroon ng tamang direksyon sa buhay at matupad ang mga pangarap
Naisasagawa ang pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay batay sa mga hakbang sa mabuting pagpapasiya
Modyul 15
Natutukoy ang mga personal na salik na kailangang paunlarin kaugnay ng pagpaplano ng kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay
Natatanggap ang kawalan o kakulangan sa mga personal na salik na kailangan sa pinaplanong kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay
NaipaliLiwanag na mahalaga ang pagtutugma ng mga personal na salik at mga kailanganin (requirements) sa pinaplanong kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, sining o isports, negosyo o hanapbuhay upang magkaroon ng makabuluhang negosyo o hanapbuhay, maging produktibo at makibahagi sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa
Naisasagawa ang pagtatakda ng mithiin gamit ang Goal Setting at Action Planning Chart
Modyul 16
Nakikilala ang (a) mga kahalagahan ng pag-aaral bilang paghahanda sa pagnenegosyo at paghahanapbuhay at ang (b) mga hakbang sa paggawa ng Career Plan
Natutukoy ang mga sariling kalakasan at kahinaan at nakapagbabalangkas ng mga hakbang upang magamit ang mga kalakasan sa ikabubuti at malagpasan ang mga kahinaan
NaipaliLiwanag na sa pag-aaral nalilinang ang mga kasanayan, pagpapahalaga, talento at mga kakayahang makatutulong, sa pagtatagumpay sa pinaplanong buhay, negosyo o hanapbuhay
Naisasagawa ang plano ng paghahanda para sa minimithing kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay batay sa pamantayan sa pagbuo ng Career Plan