Tingting. Pinakakaraniwang gamit na makikita sa tahanan at dinadaan-daanan maaalala lang ang halag kung kalian ito ay kailangan ngunit sa pagkamit ng karangalan ng isang paaralan ito ay may puwang.
Isang bugkos ang mamayan ng bayan ng Quirino para makamit muli ang pinakamataas n karangalan sa Brigada Eskwela na nakamit nito noong nakaraang taon. Hindi maitatangging nakuha nito ang unang puwesto bilang Best Implementing School sa Dibisyon ng Isabela gayundin sa buong rehiyon dos para sa taong panuruan 2020-2021. Kung kaya’t umaarangkada muli ang buong pamilya ng QNHS upang mapanatili nito ang korona.
Magkakasama sa kabila ng pandemya na kinakaharap pa rin sa kasalukuyan ay walang makapipigil sa nag-aalab na dedikasyon ng bawat isa upang paghandaan ang nalalapit na pagbubukas ng klase sa Setyembre 13,2022. “Makakaya dahil kakayanin natin anumang hamon na hatid sa atin ng taong panuruan 2021-2022” pahayag ng punong-guro ng paarlan na si G. Michael T. Borromeo. Hamon sa bawat isa na gampanan at isagawa ang kani-kaniyang responsibilidad na nakaatang sa balikat.
Sa kasalukuyan, may mga donasyon mula mga stakeholders ang naipasakamay na sa paaralan katulad ng Face Mask, Alcohol, Disinfectant Spray, Sabon. May mga gamit din para sa Modular Distance Learning na Bond Paper, Printer at ink. Sa kabila ng walang face to face class na nagaganap maganda rin ang nagging resulta ng enrollment ng paaralan sa kasalukuyan. Mayroon nang 1320 na mag-aaral ang nakapagpatala mula sa inaasahang 1555 na bilang sa kabuuan.
Hindi magagawa ito ng iisa lang. Bawat isang miyembro ay may bahaging ginagampanan upang maabot ang mga layunin na gustong maisakatuparan katulad ng walis tingting hindi nito kayang gawin nang nag-iisa lang mas nagiging maayos ang gamit kapag mayroon ito mga kasama.// GLAIZA A. CERDENIOLA , T-1, August 24, 2021
Sa larangan ng optika, ang prisma ay isang midyum na nagtagtaglay ng aninaw kung kaya’t nakalilikha ng bahaghari ang isang purong puting ilaw kapag dumaraan dito.
Bawat tao ay may malabahagharing kwento at bawat kulay nito ay nagbibigay pahiwatig ng mga pagsubok at pagtatagumpay upang mabuo ang magagandang kulay.
Hindi maikukubli ang ningning ng tagumpay ng isa sa ipanagmamalaking natatanging guro ng QUIRINO National High School. Nahasa na ng panahon kung kaya’t lutang na lutang ang makulay niyang pangalan. Pangalang maihahalintulad sa puting kulay na kung babanaagin ay puro ngunit kapag dumaan sa prisma’y makikita ang makulay na kwento sa likod nito katulad ng isa bahaghari.
Mula armonyang katangian ni G. Mark John Prestoza, bilang repleksyon ng iba’t ibang inspiradong kulay ng kaniyang buhay. Binigyan siya ng pagkilala bilang ULIRANG GURO SA FILIPINO 2021 ng Komisyon ng Wikang Filipino sa buong bansa.
Ang mga kulay na bumuo ka kanyang karera upang unti-unti’y makamtan ang mga minimithi’y nagsilbing hagdan niya upang maabot ang nasabing parangal.
Pula. Minsa’y naiuugnay sa salitang pag-ibig subalit sa kabilang banda’y maaaring iugnay sa larangan ng trabaho gay ani G. Prestoza kung saan kakikitaan siya ng determinasyon sa kaniyang trabaho, Naglalayon sa pagkamalikhain at pagiging bukas para sa mga bagong ideya. Dahil dito’y nakamit niya ang karangalanbilang Outstanding Researcher taong 2019 isama pa ang Outstanding Isabelino Youth 2018.
Asul. Kalmado at payapa. Bagaman sa kabila ng lilim ng pandemya’y nanatiling natural at orihinal ang gampaning magbahagi ng edukasyon. Ang kasalukuyang Sistema ng edukayon ay hindi naging hadlang upang magbigay kontribusyon sa pagpapalaganap, pagpapaunlad ta pagpapayaman ng wikang Filipino at mga katutubong wika sa Pilipinas. Pagpapatunay ang kaniyang mga limbag na aklat tulad ng Si Labang ang Asong Matapang-Grade 1, Ang Mahiwagang Hardin ni Aling Sitang-Grade 2, at Ang Alamat ng Dwende-Grade 3
Sa usaping lila, masasabing malakas at agresibo ngunit sa makatwirang paraan. Agresibo sapagkat walang makaawat sa pagiging mahusay na guro, makata at mananaliksik. Patunay dito ang patuloy na pagpapayabong ng kaalaman. Matapos ang Master of Arts in Education-Filipino sa ISU-Echague Campus ay kasalukuyan ang kaniyang Doctor of Education-Filipino sa ISU-Cabagan. . Gayundin ang kaniyang mga limbag na pananaliksik sa wika,kultura ta panitikan. Ilan sa mga ito’y: Methods and Languages used by the Contractual Teachers and its effects to the learners, Suprasegmental: Ebalwasyon sa Kakayahan ng mga Mamayang Quirino sa Wikang Filipino at Iluko, S5: Suri, Sipat at Saliksik, Salin, Sentimento ng Ilokanong Foklor, Wikang Yogad: Durungawan ng Kultura, Tradisyon at Panitikan (Linggwistika Etnograpiya ng Filipinas). Ugnayan sa iba’t ibang ornganisyong lokal at national at pagiging Journal Reviewer sa loob at labas ng bansa.
Tunay na kahanga-hanga, pambihirang kakayahan at kontribusyon ang ipinamalas sa kabila ng pagiging simple. Sa kabila ng pandemya na pilit na lumililim at tumatakip sa liwanag ang kaniyang determinasyon at pagpupursige ang nagsisilbing puting ilaw na aaninag sa prismo upang patuloy na matunghayan natin ang ganda ng bahaghari.
// NEPTHALY C. GASPAR, Grade-9, October 10, 2021