Tingting. Pinakakaraniwang gamit na makikita sa tahanan at dinadaan-daanan maaalala lang ang halag kung kalian ito ay kailangan ngunit sa pagkamit ng karangalan ng isang paaralan ito ay may puwang.
Isang bugkos ang mamayan ng bayan ng Quirino para makamit muli ang pinakamataas n karangalan sa Brigada Eskwela na nakamit nito noong nakaraang taon. Hindi maitatangging nakuha nito ang unang puwesto bilang Best Implementing School sa Dibisyon ng Isabela gayundin sa buong rehiyon dos para sa taong panuruan 2020-2021. Kung kaya’t umaarangkada muli ang buong pamilya ng QNHS upang mapanatili nito ang korona.
Magkakasama sa kabila ng pandemya na kinakaharap pa rin sa kasalukuyan ay walang makapipigil sa nag-aalab na dedikasyon ng bawat isa upang paghandaan ang nalalapit na pagbubukas ng klase sa Setyembre 13,2022. “Makakaya dahil kakayanin natin anumang hamon na hatid sa atin ng taong panuruan 2021-2022” pahayag ng punong-guro ng paarlan na si G. Michael T. Borromeo. Hamon sa bawat isa na gampanan at isagawa ang kani-kaniyang responsibilidad na nakaatang sa balikat.
Sa kasalukuyan, may mga donasyon mula mga stakeholders ang naipasakamay na sa paaralan katulad ng Face Mask, Alcohol, Disinfectant Spray, Sabon. May mga gamit din para sa Modular Distance Learning na Bond Paper, Printer at ink. Sa kabila ng walang face to face class na nagaganap maganda rin ang nagging resulta ng enrollment ng paaralan sa kasalukuyan. Mayroon nang 1320 na mag-aaral ang nakapagpatala mula sa inaasahang 1555 na bilang sa kabuuan.
Hindi magagawa ito ng iisa lang. Bawat isang miyembro ay may bahaging ginagampanan upang maabot ang mga layunin na gustong maisakatuparan katulad ng walis tingting hindi nito kayang gawin nang nag-iisa lang mas nagiging maayos ang gamit kapag mayroon ito mga kasama.// GLAIZA A. CERDENIOLA , T-1, August 24, 2021
Sa larangan ng optika ang isang prisma ay isang medyum na pinagkalooban ng transparency. Kung kayat nagiging bahaghari ang purong puting ilaw kapag dumadaan ito sa isang prisma.
Sa madaling sabi, bawat tao ay may natatagong katangian sa likod ng kanyang malabagharing talambuhay. Kabilang na dito si Ginoong Mark-John R. Prestoza, isang gurong kasalukuyang nagtuturo sa Paaralan ng Quirino. Lingid sa ating kaalaman, ang kanyang talambuhay ay maihahalintulad sa puting ilaw na may pagbabagong anyo sa kulay pagkat dumaan sa isang prisma. Kung saan ang puting ilaw ay bumubuo sa ilang kilalang kulay na kapareho ng bahaghari.
Una, ang kulay pula. Minsan naiuugnay ito sa salitang pag-ibig, subalit sa kabilang banda, naikakabit din ito sa kapaligiran ng trabaho. Gaya na lamang ni Ginoong Prestoza, kung saan kakikitaan siya ng determinasyon sa kanyang trabaho na naglalayon sa pagkamalikhain at pagiging bukas para sa mga bagong ideya. Dahil sa kanyang dedikasyon, pinangaralan siya bilang Outstanding Researcher noong 2019.
Tulad ng pula, ang kulay dilaw ay tumutukoy din sa pagiging positibo. Ang pagiging bukas, maaraw at hindi pagkatakot ni Ginoong Prestoza sa mga pagbabago na talagang umaaninag sa kanyang husay bilang makata. Kaugnay sa parangal na nakamit sa nakaraang taon, ang kanyang mga akda at saliksik ay nailathala sa Saringit Journal Division of Isabela Learning Source Management Division Region 2 Curriculum Implementation Division.
Asul, kalmado at payapa. Bagamat sa kabila ng lilim ng pandemya, nanatiling natural at orihinal ang gampanin magbahagi ng edukasyon ang layunin ni Ginoong Prestoza. Hindi man gaanong komportable sa kaslukauyang sistema ng edukasyon, hindi ito naging hadlang sa kanyang pagbibigay kontribusyon sa pagpapalaganap, pagpapaunlad, at pagpapayaman ng wikang Filipino at mga kagutubong wika ng Pilipinas.
Sa usaping lila, masasabing malakas at agresibo si Ginoong Prestoza, ngunit sa makatwirang paraan. Agresibo ang Ginoo pagdating sa pagiging mahusay na makata, guro, at mananaliksik. Siya ay guro sa asignaturang Filipino, Papel sa pananaliksik at Entreprenuership sa Senior Highschool. Bihasa siya sa wikang Filipinob kung saan siya ay nakapagtapos ng Master of Arts in Education at kasalukuyang kumukuha ng Doctor of Philosophy in Language Education-Filipino sa Isabela State University.
Mula sa armonyang katangian ni Ginoong Prestoza bilang repleksyon ng ibat ibat inspiradong kulay ng kanyang talambuhay, binigyan siya ng pagkilala bilang Ulirang Guro 2021 ng Komisyon sa Wikang Filipino.
Kahanga hanga at pambihirang kakayahan at kontribusyon ang ipinamalas ni Ginoong Mark-John R. Prestoza sa kabila ng kanyang simpleng aura.
Datapwat nariyan ang pandemya bilang panakip sa liwanag, ang ating dedikasyon at determinasyon ang magsisilbing puting ilaw na aaninag sa ating prismo upang muling makita ang ganda ng bahaghari. // NEPTHALY C. GASPAR, Grade-9, October 10, 2021