Konsiderasyon. Iyan ang kinakailangan ng bayan para sa kaunlaran, boses, opinyon, at ambag ng bawat isa’y mahalaga lalo na ang partipasyon ng kabataan sa mga ganitong bagay.
Dahil sa kakulangan ng Sangguniang Kabataan sa mga miyembro, naisipan ng Chairperson nitong si Gimarl Garrovillias na gumawa ng proyektong makakukuha ng atensyon ng mga kabataan na sumali dito. Ito ang sarbey na ginagawa nila ang Katipunan ng Kabataan kung saan gumagawa sila ng pagsusuri kung anon ga ba ang hilig ng mga kabataan.
Aniya, hinihikayat daw kasi nilang dagdagan ang kanilang miyembro dahil sampu lang sila dito. Sa pagsusuring ito, tinutukoy ng samahan kung ano ang interes ng bawat isa, kung sila ba’y mahilig magsulat, mahilig magbasa, mahilig sa isports o mahilig silang magdisenyo. Nakatutuwang binibigyan nila ng kamalayan ang bawat bata sa ganitong mga bagay dahil sa totoo lang—higit itong makatutulong sa pag-unlad nila.
Didiretsuhin ko na kayo, iba na kasi ang tingin sa kabataan ngayon, tinuturing silang mahina at tila walang halaga sa lipunan dahil sab inga ng matatanda, bata pa lang sila kaya wala pa silang alam. Kaya nakamamanghang binibigyan nilang halaga ang presensya ng kabataan sa ganitong mga gawain, nagiging mulat kasi ang mga ito sa mabuting pageserbisyo sa bayan. Naipahayag din niyang, dati sa isang silid 10 lang sila ngayong nadagdagan na ng 15 na mga kabataan.
Hindi lamang nila pinahahalagahan ang bawat isang kabataan kung hindi nahahasa na rin nila ang kakayahan at kasanayan ng mga ito. Binibigyan ng kalayaan sa anumang talento ang kanilang naisin, sana tandaan natin na mahalaga rin para sa kanila ang kalayaan dahil sa huli—nasa kanila pa rin naman ang ating kinabukasan.
TRENDING NGAYON ↑
1 #SANGGUNIANGKABATAAN
2 #YOUTHENVOLVEMENT
3 #YOURVOTEMATTERS
4 #YOURVOTEMATTERS
5 #SPORTSPH