May kabataang may kakayahang tugunan ang kaniyang pangangailangan dahil may sapat siyang salapi para dito ngunit may isang nakatingin at umaasang sana bukas ay sapat na—sapat na ang salapi para matulungan siyang mamuhay sa araw-araw.
Sa Pilipinas, hindi na bago ‘yan. Ano pa nga bang aasahan natin kung hindi ang ating mga sarili. Pero maling hindi na lamang ito pansinin dahil ito’y malaking isyu ng bayan sa ilang nagdaang taon na matagal na rin namang nanghihingi ng agarang solusyon.
Dahil dito, nakaisip ng paraan ang Chairperson ng Sangguniang Kabataan na si Gimarl Garrovillias, sa Barangay Santiago kasi hindi sapat ang pondong nasa halos P852,000 sa buong taon, kaya sinubok nilang lapitan ang iba’t ibang Rizalenos na may mabuting puso. Isa lang ang masasabi ko, nakatutuwang nasa puso pa rin ng ilan sa kanila ang pagbibigay sa kapuwa nila nang hindi naghahangad ng kapalit.
Kahanga-hangang gumagawa sila ng paraan para mapaunlad ang bawat isa, katulad na lang ng sinabi ng Chairman na nag-fund raising sila dahil nga sa kakulangan ng badyet. Hindi nila hinayaan ang probleman ang magpabagsak sa kanila bagkus ginawan na lamang nila ito ng agarang solusyon. Isang katangian ng lider na dapat tinataglay, isang katangian ng Rizaleno na totoong katangi-tangi, may hinain man ngunit maghahain pa rin ng sandamakmak na aksyon para sa kabutihan ng bayan.
Tunay ngang patungo na sila sa kinabukasang may liwanag, pagbabago, at pagtutulungan. Hindi lang dapat Rizaleno ang nagtataglay nito—ang aksyon na mula sa puso para sa kanilang kababayan ngunit ang lahat ng Pilipino, tayo dapat ay may puso, boses, at pagmamahal sa kababayan natin, at may samahan na may natatanging kabutihan o bolunterismo kung ating tatawagin.
TRENDING NGAYON ↑
1 #SANGGUNIANGKABATAAN
2 #YOUTHENVOLVEMENT
3 #YOURVOTEMATTERS
4 #YOURVOTEMATTERS
5 #SPORTSPH