Tagumpay na hindi kumukupas: ang legasiya mula elementarya hanggang sekondarya ng Rizalenos Gymnast
ni PARKER AYAAY 4 hours ago
ni PARKER AYAAY 4 hours ago
Sa bawat tagaktak ng pawis at sandamakmak na ensayong malabis—Rizal Gymnast ang bibida rito lalo na pamana ng mga sekondarya ang kanilang legasiya sa elementarya. Sa ginanap na Gymnastics Exhibition Game, pinatunayan ng Rizalenoz Gymnastics and Dance Company ang kanilang mahuhusay na kakayahan, kahit na tila’y mabali ang buto sa kawalan, kanila itong ginagawang insipirasyon.
Ilan kasi sa mga manlalaro ng Rizal pagdating sa Gymnast, napatunayan na kayang sumabay kahit saang larangan ng Gymnastics ilagay. Naungkit lang naman ng mga ito ang gintong medalya sa ilang kategorya tulad ng Batang Pinoy, Malaysia 2023-2024, at competitor sa Asia Championship Manila, gayundin sa Sea Games 2025.
Tulad ni Cristalin Zoe Valencia, isa sa mga manlalaro noong gymnastics Exhibition Gmae Bernardo F. San Juan National High School, ibinahagi na nakamit at naakyat na niya ang Malaysia 2023, Asia Championship Manila, at higit sa lahat ang Sea Games patunay lamang ng malaki ang legasiya na kaniyang iniwan sa edad na 16.
Samantala, para kay Arya Glizelle B. Reyes, isa sa mga nagpakitang gilas na elementarya, nakamit niya ang gintong medalya sa Batang Pinoy dahil sa nagsilbing insipirasyon ang kaniyang “Senior” o sekondarya tulad ni Ellaine Juliana Quindora.
“The person who motivated me is ate Ellaine,” pahayag ni Arya nang ibahagi ang kaniyang nakamit sa ilang palaro.
Rizalenoz Gymnastics and Dance Company ang nagsilbing sa bawat ensayo mapagtagumpayan ng kahit sino ang kanilang kagustuhan. Mula sa elementarya, hanggang sekondarya bitbit ang legasiya ng mga Rizalenoz pagdating sa Gymnastics.
“As I said you don’t need to start as great,” pahayag ni Valencia para magbigay motibasyon sa kabataan.
TRENDING NGAYON ↑
1 #SANGGUNIANGKABATAAN
2 #YOUTHENVOLVEMENT
3 #YOURVOTEMATTERS
4 #YOURVOTEMATTERS
5 #SPORTSPH