Sa bawat manlalaro na layuni’y ipagmalaki ang bansa, hindi nawawala ang kawalan ng suporta. Napakatagal na na isyu hindi pa rin masolusyunan, sa ginanp na Gymnastics Exhibition Game, ibinahagi ng dating manlalaro ng Sea Games na hindi siya binigyan ng suporta, pagkatapos magkaroon ng “injury.”
Nakadidismaya lang dahil kahit na mismong bansa p sariling bansa ay nagkaroon ng pangit na pagtrato sa kanilang mga atleta. Kung titignan, parang walang ginagawang solusyon ang mga opisyales dito nat kinukulang sila sa salitang inisyatibo, kaya naman sana’y pagtuunan ng pansin ang mga ganitong mga sitwasyon o isyu.
Ayon kay Cristalin Zoe Valencia, gymnast mula sa Gymnastic Exhibition Game at dating Sea Games competitor, noong siya’y na-injury sagot naman siya ng ospital ngunit pagka-uwi sa bansa ‘y biglang nawala at hindi pa nakaahon sa injury. Patunay lamang na hindi ginawan ng paraan ng mga opisyales ang kanilang dapat na gawin.
“Noong na-injury ako that time napunta ako sa ospital binigyan ako ng libreng medical pero hindi ako binigyan ng support noong nakauwi sa bansa” pahayag ni Valencia.
Dagdag pa niya, hindi siya pinanagutan ng opsiyales dahil sa hindi pa siya nakapirma sa kontrata, ngunit kahit nag anito ang sitwasyon dapat pa rin na tignan ang kondisyon ng mga atleta.
Mahihinuha na wala talagang kibo ang mga opisyales sa Sea Games sa ibang isports dahil sa mga karanasang ganito na dapat ay hindi isinasawalang bahala.
Mayroong solusyon ngunit hindi pa rin sapat ang na mapakinggan dahil na rin sa kawalan ng tulungan sa pagsulong ng ganitong isyu. Kaya sana magtulungan ang bawat isa, hindi lang ito para sa atleta kundi sa ating bansa na handa nilang ire-presenta.
TRENDING NGAYON ↑
1 #SANGGUNIANGKABATAAN
2 #YOUTHENVOLVEMENT
3 #YOURVOTEMATTERS
4 #YOURVOTEMATTERS
5 #SPORTSPH