Valencia, nagpakitang gilas sa Gymnastics Exhibition Match sa kabila ng “injury”
ni PARKER AYAAY 4 hours ago
ni PARKER AYAAY 4 hours ago
Matapos ang ensayo sa Rhytmic at Aero Gymnastics, matagumpay na nakapagbigay ng magandang laro si Christian Zoe Valencia ng Rizaleños Gymnastics and Dance Company sa kabila ng “knee injury” sa laban noong Southeast Asian Game 2025.
Kung iispin maglaro o lumaban kapag mayroong injury lalo na’t ito ang nagsisilbing hamon sa mga atleta na nagdudulot upang hindi makalaro ang mga ito.
“Because of my injury, my performance nag-downgrade po siya,” ani Valencia sa post interview sa Gymnastics Exhibition.
Hindi maikakaila na nagkaroon ng pagbabago sa laro niya sa exhibition Match dahil sa knee injury mula sa ginanap na Sea Games.
Samantala, kahit na nagkaroon ng ilang “error” o amali sa hoop apparatus tulad ng hindi nasalo nang maayos, agad pa rin na nasolusyonan.
Nagkaroon din naman ng mainit na laro si Valencia pagdating ng ball at clubs apparatus sa pamamagitan ng jumping, turns, at balances, na stance.
Mahihinuha na mayroon talagang kasanayan ang pambato ng Rizal dahil kahit na may injury, nakapagbibigay pa rin ng larong maganda.
Dagdag pa, nakalaro na rin si Valencia sa naglalakihang kompetisyon tulad ng Sea Games 2025 at Malaysia 2023 , kaya naman tunay na bihasa na.
“Even kahit naka-injury, dream are passion,” ibinahagi ni Valencia.
TRENDING NGAYON ↑
1 #SANGGUNIANGKABATAAN
2 #YOUTHENVOLVEMENT
3 #YOURVOTEMATTERS
4 #YOURVOTEMATTERS
5 #SPORTSPH