Reyes, sumiklab sa “training match” ng Gymnastics Exhibition Game
ni PARKER AYAAY 4 hours ago
ni PARKER AYAAY 4 hours ago
Kinalawit ni Rizaleño Gymnast Arya Glizcelle Reyes ang ilang powerful stances matapos irehistro ang turns and balances stance sa Rhytmic Gymnastics Elementary ng Exhibition Match na ginanap sa Bernardo F. San Juan National High School, Pebrero 26.
Tumukod naman ang lahat ng kalahok sa elementarya sa pamamagitan ng controlled game at inulat na walang opisyal na puntos.
Sa unang match, agad na humataw ng ilang jumping at turn stances si Reyes kontra iba pang kalahok sa ensayo.
Sumabay naman ang isang elementarya na si Kirzten Keira Dugtong ng balances at leaping upang mas uminit ang laban.
Hindi nagpatinag si Reyes pagdating sa hoop apparatus nang irehistro nito ang ilang turn at tumbling sabay sambot sa hoop.
Pagdako ng ball apparatus, naglatag naman ang gymnast ng flexible stances at pagulong na bola sa katawan.
Pinainit pa ni Reyes ang momentum sa clubs apparatus para sa mapakondisyon ang katawan sa susunod na laban.
“Just do it,” pahayag na iniwan ni Reyes sa training match.
TRENDING NGAYON ↑
1 #SANGGUNIANGKABATAAN
2 #YOUTHENVOLVEMENT
3 #YOURVOTEMATTERS
4 #YOURVOTEMATTERS
5 #SPORTSPH