Lunday

Research Journal of the Graduate School of Bulacan State University

Print ISSN 1656-3514

Online ISSN 2980-4353

https://orcid.org/0000-0001-6644-0736

about the cover

English Version

"Lunday" is a small boat whose equivalent in English is "canoe". If we look back through the pages of history, there has been a great joy in the transmission of knowledge. We also know that the first civilizations began to emerge along the river valleys, as well as the trades of the ancient peoples that were stimulated along the coasts. That's why it can be said that "lunday" played a big role in crossing and sharing wisdom that helped advance civilization. A good example of this is the history of our Motherland, the Philippines today; there are theories that say our ancestors arrived on these islands, and built villages carrying boats and "lunday", which was the beginning of their establishment of united communities that responded to each other's needs.

In that spirit, "Lunday" was called to this newspaper of the Bulacan State University – Graduate School, because it claims the aspiration of being a transmitter of additional wisdom not only within our university but also in the society he belongs to. Through this, "Lunday" as the “cradle of excellence” is expected to showcase the excellence of the school by sharing newly discovered knowledge with the majority. The goal of BulSU-Graduate School remains and continues to further help the development of the community.

-RR

Tagalog Version

Ang Lunday ay isang maliit na bangka na ang katumbas sa Ingles ay “canoe”. Kung lilimiin ating babalikan ang mga dahon ng kasaysayan, may naging malaking bahagiang lunday sa paghahatid ng kaalaman. Atin ding mababatid na nagsimulang umusbong ang mga unang kabihasnan sa tabi ng mga lambak-ilog, gayundin ang mga kalakalan ng mga sinaunang mamamayan na pinagsigla sa mga baybayin. Kaya naman masasabing malaki ang ginampanang papel ng lunday sa pagtatawid at pagbabahagi ng karunungan na nakatulong sa pagsulong ng kabihasnan. Isang magandang halimbawa nga nito ang kasaysayan ng ating Inang Bayan, ang Pilipinas sa kasalukuyan; may mga teoryang nagsasabing nakarating ang ating mga ninuno sa mga kapuluang ito, na bumuo ng mga balangay lulan ng mga bangka at lunday na siyang pinagsimulan ng pagtatatag nila ng mga nagkakaisang pamayanan na tumugon sa pangangailangan ng bawat isa.

Sa gayong diwa, Lunday ang itinawag sa dyornal na ito ng Bulacan State University – Graduate School, dahil ito ay nag-aangkin ng adhikaing maging tagapaghatid ng karagdagang karunungan hindi lamang sa loob ng ating pamantasan kundi maging sa lipunan na kanyang kinabibilangan. Sa pamamagitan nito, ang Lunday bilang “cradle of excellence” ay inaasahang magpamamalas ng kahusayan ng paaralan sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga bagong tuklas na karunungan sa higit na nakararami. Nananatili at nagpapatuloy ang mithiin ng BulSU-Graduate School na lalo pang makatulong sa pagsulong ng pamayanan.

-RR