Ni Marco T. Macopia
Bilang bahagi ng HASHTAG Farming (Technical Assistance) Program ng DA-BSWM–National Soil and Water Resources Research and Development Center for Hillyland Pedo-Ecological Zone (NSWRRDC HILLPEZ), binigyan ng Center ng gabay sa vermicomposting technology ang Samahan ng Aktibong Maggugulay ng Polillo Agriculture Cooperative mula sa Polillo, Quezon noong ika-7 ng Agosto 2026.
Kabilang sa mga isinagawang aktibidad ang isang maikling lecture tungkol sa Vermicomposting Technology at field tour sa Research for Development (R4D) Vermicomposting Facility, kung saan nagkaroon ng pagkakataon ang mga kalahok na makita ang aktuwal na proseso at pasilidad sa paggawa ng vermicompost.
Bilang suporta sa samahan, nagbigay din ang NSWRRDC HILLPEZ ng 50 pakete ng buto ng kamatis, tatlong sako ng vermicompost, tatlong production manual na “Vermicomposting Technology sa Pamamaraan ng NSWRRDC HILLPEZ”, at dalawang kilo ng ANC upang makatulong sa kanilang mga gawaing pang-agrikultura at patuloy na pagsusulong ng sustenableng pagsasaka.