Kabataang Cuyambay, Nadagdagan ang Kaalaman sa Lupa sa Ilalim ng SHiFT for SWaC Agriculture
Ni Marco T. Macopia
Dalawamput limang (25) kabataan ang lumahok sa 2026 Sustainable Hillyland Farming Technologies and Practices for Soil and Water Conservation and Management in Agriculture (SHiFT for SWaC Agriculture) Batch 2 na isinagawa ng DA-BSWM-National Soil and Water Resources Research and Development Center for Hillyland Pedo-Ecological Zone (NSWRRDC HILLPEZ) katuwang ang Sangguniang Kabataan (SK) ng Barangay Cuyambay noong ika-1 ng Agosto 2026 sa NSWRRDC HILLPEZ Conference Room sa Cuyambay, Tanay, Rizal.
Tampok sa capacity-building activity ang mga talakayan tungkol sa “Soils and its Importance” at “Soil Analysis Using Soil Test Kit (STK),” na sinundan ng hands-on soil sample analysis gamit ang STK. Layunin ng mga aktibidad na mapalawak ang kaalaman ng kabataan tungkol sa kahalagahan ng lupa at sa mga simpleng paraan ng pagsusuri sa kondisyon nito.
Sa pamamagitan ng SHiFT for SWaC Agriculture, patuloy na binibigyan ng pagkakataon ng NSWRRDC HILLPEZ ang kabataan na magkaroon ng mas malalim na pag-unawa sa lupa, agrikultura, at pangangalaga sa likas-yaman—kaalamang maaari nilang dalhin at gamitin tungo sa mas responsableng pakikilahok sa pagsusulong ng isang mas sustenableng kinabukasan.