Ni Marco T. Macopia
Bilang pagpapatuloy sa pagpapaunlad ng kaalaman ng mga magsasaka sa sustenableng pagsasaka, isinagawa ng DA-Bureau of Soils and Water Management (DA-BSWM) sa pangunguna ng National Soil and Water Resources Research and Development Center for Hillyland Pedo-Ecological Zone (NSWRRDC HILLPEZ) ang ikalawang bahagi ng “Capacity Building of Hillyland Farmers on the Production and Utilization of Organic Inputs” noong ika-8 ng Oktubre 2025, sa NSWRRDC HILLPEZ Conference Room, Cuyambay, Tanay, Rizal.
Ang aktibidad, na muling nilahukan ng 25 na miyembro ng Cuyambay Natural Farmers Association (CUNAFA) ay bahagi ng proyekto na Technology Promotion of Organic Farming for Sustainable Land Management in the Hillyland Area (TechPrOFSLM), na layuning isulong ang paggamit ng mga organikong teknolohiya para sa mas produktibo at mas maayos na pamamahala ng lupa sa mga dahilig na lugar.
Tampok sa pagsasanay ang lecture na “Wastong Pamamahala ng Lupa sa mga Dahilig na Lugar”, na tinalakay ni Senior Science Research Specialist Roosbelt P. Creencia. Ibinahagi sa naturang topic ang iba’t ibang teknolohiyang ginagamit sa tamang pangangalaga ng lupa sa mga dahilig na sakahan upang matiyak ang pangmatagalang kasapatan ng ani at kalusugan ng lupa.
Nakibahagi din ang mga kalahok sa transplanting activity sa vegetable technology demonstration ng proyekto. Sa aktibidad na ito, nakita ng mga magsasaka ang aktwal na pamamaraan ng organikong pagsasaka gamit ang mga sustenableng teknolohiya sa pamamahala ng lupa.
Sa pamamagitan ng pagsasanay na ito, patuloy na isinusulong ng DA-BSWM-NSWRRDC HILLPEZ ang pagtuturo at pagpapalaganap ng organikong pagsasaka bilang susi sa mas matatag na agrikultura at mas malusog na kalikasan sa mga hillyland areas ng bansa.
Ni Marco T. Macopia
Nakatanggap ng pagsasanay ang mga magsasaka ng Hillyland area ng Cuyambay, Tanay, Rizal bilang bahagi ng proyektong “Technology Promotion of Organic Farming for Sustainable Land Management of Hillyland Soils (TechPrOFSLM).” Ang naturang pagsasanay na may titulong “Capability Building of Hillyland Farmers on Production and Utilization of Organic Inputs for Sustainable Land Management (Part 1)” ay naganap noong ika-23 ng Hunyo 2025 sa NSWRRDC HILLPEZ Conference Room, Cuyambay, Tanay, Rizal. Ito ay inorganisa ng DA-Bureau of Soils and Water Management (DA-BSWM) - National Soil and Water Resources Research and Development Center for Hillyland Pedo-Ecological Zone (NSWRRDC HILLPEZ).
Tinalakay sa pagsasanay ang “𝑉𝑒𝑟𝑚𝑖𝑐𝑜𝑚𝑝𝑜𝑠𝑡𝑖𝑛𝑔 𝑇𝑒𝑐ℎ𝑛𝑜𝑙𝑜𝑔𝑦 𝑠𝑎 𝑃𝑎𝑚𝑎𝑚𝑎𝑟𝑎𝑎𝑛 𝑛𝑔 𝑁𝑆𝑊𝑅𝑅𝐷𝐶 𝐻𝐼𝐿𝐿𝑃𝐸𝑍” kung saan ibinahagi ang mga hakbang sa paggawa ng vermicompost; at ang “Organic Farming and Its Benefits on Soil Health and Fertility” na nagpaliwanag ukol sa mga benepisyo ng organikong pagsasaka at mga paunang resulta ng proyekto.
Ang proyektong “Technology Promotion of Organic Farming for Sustainable Land Management of Hillyland Soils (TechPrOFSLM)” ay isinasagawa sa NSWRRDC HILLPEZ, Cuyambay, Tanay, Rizal.