Ni Marco T. Macopia
Bilang bahagi ng kanilang capacity-building activity, pinangunahan ng National Soil and Water Resources Research and Development Center for Hillyland Pedo-Ecological Zone (NSWRRDC HILLPEZ) ang isang Educational Facility Tour para sa DA-BSWM-Soil Survey Division (SSD) noong ika-20 ng Agosto 2026.
Sa isinagawang pagbisita, naipakita sa mga kalahok ang ilan sa mga pangunahing areas at facilities ng Center, kabilang ang Organic Agriculture Area, Old Vermicomposting Facility, Mokusaku Production Facility, at Research for Development (R4D) Vermicomposting Facility.
Sa pamamagitan ng educational tour, nagkaroon ng pagkakataon ang mga kalahok na mas makilala ang mga pasilidad at teknolohiyang ginagamit at isinusulong ng NSWRRDC HILLPEZ bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng sustainable agriculture at wastong pamamahala ng lupa at likas-yaman.