Ika 23 ng Agosto, 2023-Ang Samar National School of Arts and Trades (SNSAT) ay sumailalim sa online National Validation para sa TESDA Seal of Integrity.
Matatandaan na nagsumite ang ang nasabing paaralan ng aplikasyon para sa TESDA Seal of Integrity ngayong taon. Ang Assessment Center Quality Team ng Samar National School of Arts and Trades ay pinangunahan ni Dr. Wenifreda Q. Hobayan, School Administrator III, kasama sina Mia Afable, Instructor I, Assistant to the Assessment Center Manager, Prof. Isabel B. Acayen; Gemma A. Taniñas; Criterion Focals at mga miyembro nito; kasama din ang support staff ng Assessment Center.
Ang Assessment Center Quality Team ay ibinigay ang kanilang pinaka mahusay na pagsusumikap sa panahon ng paghahanda. Bawat tanong ng mga validators ay sinasagot ng mga criterion focals at dinidipensahan din ito. Anuman ang maging resulta ng nasabing national validation, ang SNSAT ay patuloy na maglilingkod at magbibigay ng serbisyong teknikal sa publiko ng may malasakit at pagmamahal (with a HEART).
#tesdaservicewithaheart #SaTESDALingapAyMaaasahan #tesdaeasternvisayas