MICHAEL STEPHEN G. AURELIO is a Lecturer of Philosophy at the Ateneo de Manila University in the Philippines. He obtained his BS Management in Communications Technology, MA in Philosophy, and PhD in Philosophy from the same university. He co-authored Pilosopiya, OPM, Pag-ibig (Ateneo de Naga University Press, 2024), which was a finalist for the Best Book in Philosophy at the 43rd National Book Awards of the Philippines.
"Maochi," as he is known by family and friends, resides in Quezon City with his wife and three children.
More from the Author
Pilosopiya, OPM, Pag-ibig (Ateneo de Naga University Press, 2024). With Patrick Vance S. Nogoy, SJ.
Eduardo Calasanz
Guro ng Pilosopiya
Mula sa likod na pabalat
"Sa ating panahon ng ligalig, awit at pag-iisip ang madalas na umaaliw sa atin upang magkaroon ng lakas at pag-asa na magpatuloy mabuhay. Hindi lamang aliwan ang awit at pag-iisip, ngunit tunay na landas ng pamumuhay. May malalim na kaugnayan ang awit at pag-iisip na mababanaagan natin sa mga pirasong-sulatin nina Parmenides at Herakleitos o sa mga aklat nina Iob at Qohelet. Ngunit bihirang gawing paksa ng mga awit-isip ang pag-ibig. Maraming awit (halos lahat?) ang tungkol sa pag-ibig; may mga bungang-isip din ang tungkol sa pag-ibig. Ngunit sa mga awit-isip ng mga makata at pilosopo (nina Homeros o Sophokles, Angelus Silesius o Friedrich Nietzsche) higit na malalim ang bakas ng kamatayan kaysa bakas ng pag-ibig.
Kaya mabigat na pagtatayang hermeneutiko ang Pilosopiya, OPM, Pag-ibig nina Michael Aurelio at Patrick Nogoy. Tumataya sila na hindi lamang bukal ng awit ang pag-ibig ngunit bukal ng pag-iisip din ang mga awit ng pag-ibig. Inaakay ng mga may-akda ang mambabasa sa mahihiwagang landas ng pag-awit, pag-iisip at pag-ibig."
Anton Heinrich L. Rennesland
University of Santo Tomas, Manila
SURI: Journal of the Philosophical Association of the Philippines 13:2 (2025): 247-252
" . . . ang akdang ito ay patunay na ang pambungad sa pilosopiya ay hindi dapat masalimoot o marahas, katulad ng mga nakagawiang pambungad na pang-akademya. Kahit na hindi ito ang mismong hangad ng libro, hindi ito puwedeng baliwalain lamang. Patunay itong libro na hindi natin kinakailangang lumayo pa para magkaroon ng masusuing imbitasyon para sa iba na mag-aral ng pilosopiya."
MJ A. Busa
@scribblesandbooks
"If you love music, especially OPM [Original Pinoy Music], you like talking about philosophical ideas, and you have been loved, you are in love, or you had your heart broken, then I got the perfect book recommendation just for you, and this book is Pilosopiya, OPM, Pag-ibig . . . and I thoroughly enjoyed this book because it felt so immersive. . . . You get to have this first hand experience of listening to the song again, savoring the lyrics and also learning about philosophy that links all of these factors together."