ILAG! YABAG NG MATATAG
Ulat ni Karla Recacho
Pebrero 3, 2024 | Kartun ni: Joross Onsenada
ILAG! YABAG NG MATATAG
Ulat ni Karla Recacho
Pebrero 3, 2024 | Kartun ni: Joross Onsenada
Bagong Kurikulum, epektibo kaya? Habang patuloy na nahihirapan ang bansa sa learning poverty at sa patuloy na hamon ng post-pandemic na edukasyon, ang Department of Education (DepEd) ay naglulunsad ng bagong K to 10 curriculum na tinatawag nilang “MATATAG”. Pupuno na nga ba ito sa kakulangan ng K-12 o gagawin na namang trial and error ang mga estudyanteng sasalo ng kurikulum na ito?
Resulta ng K-12 Kurikulum
Ang K-12 program ay inumpisahan noong 2013 sa ilalim ng Republic Act 10533 o “Enhanced Basic Education Act of 2013”. Sa loob ng 10 taon mula nang ipatupad ang batas, walang nakitang pagbabago sa sistema ng edukasyon. Lalo pang nangulelat ang mga estudyante, partikular sa Science, Math at Reading Comprehension.
Kahit sa marami sa mga estudyanteng nagtatrabaho lalo na bilang call center agents habang tinitingnan, marami pa rin ang bumabatikos dahil hindi raw “job-ready” ang mga produkto sa curriculum na ito kung saan marami sa mga nag-aaral sa kolehiyo ay kailangan pang kumuha muli o sumailalim sa bridging classes para sa mga general education subject na dapat nilang natapos sa senior high school.
Pagkakaiba ng MATATAG Kurikulum sa K-12
Ayon kay Bise Presidente at DepEd Secretary Sarah Duterte, nasa 70% ng dating kurikulum ang tinanggal dahil sa paulit-ulit lamang at maaaring “nice to know” pero hindi talaga “must to know”, kaya isang essential learning competencies ang hatid ng bagong curriculum.
Ang problema sa edukasyon ang “higanteng problema” na hinaharap ng nakaupo nating presidente. Isa sa maaaring gawin ng ating presidente ay ang pagtatalaga ng mga opisyal at guro na tunay na sumusuporta at makatutulong sa kurikulum na ito. Dapat ding magbigay ng pagsasanay ang DepEd para sa mga guro sa paggamit ng unang wika (L1) ng bata upang mapabuti ang pag-unawa. Iniisip ng karamihan sa mga guro na ang L1 ay ginagamit lamang para sa back-translating. Gayunpaman, ang mga kamakailang kasanayan sa pedagogical sa pagbibigay ng "Pangunahing Suporta sa Wika" ay kinabibilangan ng maraming scaffolding technique tulad ng differentiation, Preview-View-Review (PRV), pagpapares/pagpapangkat, self-talk, pagkumpas, atbp.
Pero tulad ng K to 12, kuripot pa rin ang gobyerno para mag-eksperimento sa K to 10. Maraming tanong kung dapat bang tuluyang i-abolish ang K to 12 at palitan ng K to 10 MATATAG, kahit wala naman talagang resulta. Sa ngayon, umaasa ang lahat na magiging epektibo at makabuluhan ang tila pakikipagsapalaran na naman ng gobyerno sa pagkatuto ng mga mag-aaral.
TIGNAN
Ulat ni Karla Recacho
Pebrero 3, 2024
Ulat ni Karla Recacho
Pebrero 3, 2024
IBA PANG MGA ARTIKULO
BALITA
DepEd, inilunsad ang MATATAG Curriculum upang matugunan ang mga problema sa pangunahing edukasyon
Ulat ni Leonora Cuya
K-12 CURRICULUM: Hindi naging matagumpay, bakit patatagalin pa?
Ulat ni Teodora Katindig
Ulat ni Ligaya Garcia
LATHALAIN
Ulat ni Lino Agapito
Ulat ni Lino Agapito
ISPORTS
Ulat ni Alejandro Bautista
PFL: Pendekar UTD, pinadapa ang Giga FC
Ulat ni: Alejandro Bautista
Ulat ni Alejandro Bautista