ANTI – BULLYING POLICY

Republic Act No. 10627 – Anti – Bullying Policy

 

            Ang batas na ito ay nag-uutos sa mga paaralan ng Elemetarya at Sekondarya ng pagkakaroon ng Anti – Bullying Policies.

Ang lahat ng mag-aaral at mga guro ng St Francis National High School ay kailangang kilalanin at sundin ang mga patakarang pinaiiral upang maiwasan ang bullying sa paaralan.

1.    Bawal ang panunukso, pagmumura, pamimintas, pagbabansag ng alyas na makakasakit sa kalooban at ikapapahiya ng mag aaral.

2.    Bawal ang anumang uri ng pananakit pisikal, mental at emosyonal.

 

Pisikal- panununtok, paninipa, pangungurot, pangingiliti, panghihipo sa maseselang bahagi ng katawan, pagsasabunot sa buhok, paghahampas sa anumang bahagi ng katawan at pananakal.

Emosyonal- pagsasalita ng makakasakit sa damdamin ng kapwa mag-aaral, pagmumura, panlalait, pagbabansag ng pangalan o salita na hindi magugustuhan ng kamag – aral.

Mental- mga salitang makakapagdulot ng takot o stress, gaya ng pagbabanta at pananakot at pagpaparinig ng mga masasakit na pananalita.

 

3.    Bawal ang pagdadala ng anumang bagay na maaaring gamitin upang makasakit o makapatay gaya ng patalim, kutsilyo, balisong, baril at iba pa.

4.    Bawal ang paghahamon ng away sa loob at labas ng paaralan.

5.    Bawal ang magpost sa mga social media gaya ng Facebook, Twitter, Instagram at iba pang malalaswang salita o larawan sa kahit sinumang mag-aaral.

6.    Bawal ang pagdidikit sa damit o katawan ng salitang nakasulat sa papel na magiging katatawanan sa kapwa mag-aaral.

7.    Bawal ang paninira o pagtsitsismis lalo na kung ito ay makakapagdulot ng kahihiyan ng kapwa kamag-aral.

8.    Bawal ang pakikialam o paninira ng gamit ng kapwa kamag-aral at paghingi ng pera, pagkain, o anumang gamit ng may pamimilit o pangingikil.

9.    Anumang insidente ng bullying ay dapat ipaaalam sa mga Guro at Guidance Counselor at sa magulang ng mga batang sangkot sa bullying.

10. Bawal ang kasatan at tuksuhan sa loob ng klase na maaaring mauwi o humantong sa awayan  at pagkakagalit.

11. Ang bullying policy ay dapat ipaskil sa loob ng silid-aralan upang mabasa ng mag-aaral.

12. Dapat na maipaalam at maipaliwanag ng mga tagapayo ang Anti-Bullying Policies sa kanilang mga mag-aaral sa unang araw ng mga mag-aaral sa loob ng klase.

13. Sa mga guro, bawal ang anumang uri ng pamamahiya sa kanyang estudyante, pagbabansag ng pangit na pangalan, pamimintas, panlalait magdudulot ng pagkapahiya ng mag-aaral.

14. Dapat na magkaroon ng oryentasyon tungkol sa bullying sa simula ng taong panuruan sa mga magulang kasama ng mga lahat ng guro at Guidance Counselor.

 

 

 

PAGLABAG SA ANTI-BULLYING

MINOR OFFENSES

 

Kautusang Nilabag


1.Pamimintas sa kapwa mag-aaral o ng guro sa mag-aaral.

2.Pagbabanta sa kapwa mag-aaral o ng guro sa mag-aaral.

3. Paninira ng gamit ng mag-aaral o ng guro sa mag-aaral.

4. Pagpapahiya ng kapwa mag-aaral o ng guro ng mag-aaral.

5. Pagpaparinig sa kapwa mag-aaral o ng guro sa mag-aaral.

Pagsasabi ng masakit na salita sa kapwa mag-aaral o ng guro sa mag-aaral

7. Paghahambing ng guro sa mag-aaral sa ibang mag-aaral.

8. Pagmumura ng mag-aaral sa kapwa mag-aaral o ng guro sa mag-aaral.

 

Unang Paglabag

Pagsasabihan ang mga mag-aaral ng kanilang tagapayo o guro ng na sangkot sa pangyayari na may kasamang kasunduan ng pagpapatawag ng magulang.

 

Ikalawang Paglabag

Pag-uusap kasama ng magulang, mga tagapayo o guro ng sangkot sa pangyayari at mag-aaral at ng Guidance Counselor na may kasamang kasunduan.

 

Pangatlong Paglabag

Pag-uusap kasama ng CCP committee, mga tagapayo o guro ng sangkot sa pangyayari, magulang ng mag-aaral at kasunduan ng pagbibigay ng limang (5) araw na suspension sa susunod na umulit sa gawin.

 

Pang-apat na Paglabag

Pagbibigay ng suspension ng limang (5) araw.

 

Pang-limang Paglabag

Pag-uusap ng magulang, mag-aaral, mga tagapayo o gurong sangkot sa pangayari, CCP committee, at pagbibigay ng 10 araw na suspension.

 

Pang-anim na Paglabag

Pag-uusap ng CCP committee, magulang, mga mag-aaral, mga tagapayo o gurong sangkot sa pangyayari na may kasamang kasunduan ng pagbibigay ng suspension ng 1 buwan.

 

Pang-pitong Paglabag

Pag-uusap ng CCP committee, magulang, mag-aaral, mga tagapayo o gurong sangkot sa pangyayari na may kasunduan ng pagpapatalsik sa paaralan.

 

 

PAGLABAG SA ANTI-BULLYING

MAJOR OFFENSES

 

Kautusang Nilabag

 

1.Paghampas sa kapwa mag-aaral o ng guro sa mag-aaral.

2. Pagsampal sa kapwa mag-aaral o ng guro sa mag-aara.

3. Pagsipa sa kapwa mag-aaral o ng guro sa mag-aaral

4. Pagpalo sa kapwa mag-aaral o ng guro sa mag—aaral.

5. Pagsabunot sa buhok sa kapwa mag-aaral o ng guro sa mag-aaral.

6. Pangungurot sa kapwa mag-aaral o ng guro sa mag-aaral.

7. Pagtulak sa kapwa  mag-aaral o ng guro sa mag-aaral.

8. Pag-untog sa kapwa mag-aaral o ng guro sa mag-aaral

9. At lahat ng anumang uri ng pananakit sa kapwa na hindi nakasaad.

 

Unang Paglabag

Pag-uusap ng mag-aaral kasama ang magulang, mga tagapayo o gurong sangkot sa pangyayari at ng Guidance Counselor na may kasamang kasunduan.

 

Ikalawang Paglabag

Pag-uusap kasama ng CCP committee, mga tagapayo o gurong sangkot sa pangyayari, magulang ng mag-aaral at kasunduan ng pagbibigay ng 10 araw na suspensyon,

 

Pangatlong Paglabag

Pag-uusap ng CCP committee, magulang, mag-aaral, mga tagapayo o gurong sangkot sa pangyayari na may kasunduan ng pagbibigay ng suspensyon ng 1 buwan.

 

Pang-apat na Paglabag

Pag-uusap ng CCP committee, magulang, mag-aaral, mga tagapayo o gurong sangkot sa pangyayari na may kasunduan ng pagpapatalsik sa paaralan.

 

''YOU WILL NEVER REGRET BEING KIND''

'' You Will Never Look Good Trying To Make Someone Else Look Bad''