| Isports
| Isports
FINIS PH sinelyuhan ang partnership sa DedED
Ni: Gabriel Banagan
Litrato Mula sa Facebook Page ng FINIS Swimming Philippines
CEBU, Philippines — Nagmistulang makikipagkompentensya sa pang internasyonal na patimpalak ang mga mahuhusay na manlalangoy mula sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas para sa Palarong Pambansa 2024 Swimming Events.
Bunsod ito ng pakikipagtambalan ng Finis Philippines sa Department of Education (DepED) para maisaayos ang pagdadausan na venue ng iba’t ibang kategorya ng swimming events para sa palaro.
Binigyan din ng Finis PH ng mga angkop na kasuotan ang mga student-athletes pati na rin ang mga nag-oorganisa sa likod ng magarbong swimming events.
Nagbahagi rin ng P50,000 cash at mga trophies ang Finis PH sa palaro para sa mga magiging top swimmers ng naturang torneo.
Layunin ng Finis PH na mabigyan nang maayos na mga kagamitan ang mga batang manlalangoy upang ipakita ang kanilang suporta sa sports ng kabataan at ng sa gayon ay maipamalas ang kanilang buong potensyal sa paglangoy.
“We are thrilled to partner with the 2024 Palarong Pambansa, a platform that celebrates the talent and dedication of young swimmers from all regions of the Philippines,” sambit ni Coach Vince Garcia, Managing Director of Finis Philippines. “This partnership reflects our ongoing commitment to fostering a culture of sportsmanship and excellence in swimming.”
Isa ang Swimming sa pinaka-inaabanagn sa larangan ng isports, ibibida ng mga mahuhusay ng manlalangoy mula sa iba’t ibang panig ng bansa hindi lamang ang kanilang galing at talento kundi pati na rin ang kanilang puso at determinasyon sa paglalangoy sa Palarong Pambansa 2024.
______________
Share This Article
WALANG KUPAS: NCR ibinulsa ang ika-17 na kampeonato sa Palarong Pambansa
CEBU, Philippines – Namayagpag ang dominanteng National Capital Region (NCR) matapos muling maghari sa katatapos lamang na Palarong Pambansa 2024 at humakot ng kabuuang 98 ginto, 66 na pilak, at 74 na tansong mga medalya mula sa elementary at secondary level na dahilan upang mapanatili ang titulong overall champions sa loob ng 17 na taon, July 16.
Lebron James hinirang bilang male flag bearer ng USA para sa Olympics 2024
PARIS, France — Ibabandera ni four-time NBA Champion at two-time Olympic Gold Medalist LeBron James ang bandila ng bansang USA matapos siyang nominahin ng kanyang mga U.S Olympians bilang Team USA’s male flag bearer para sa opening ceremony ng nalalapit na Paris Olympics 2024 na gaganapin sa Seine River, July 26.
QSHS ________________
BULLETIN
______ Balitang Makabago, Balitang Totoo!
Tungkol Sa Amin:
Ang QSHS Bulletin ay ang opisyal na pahayagan ng paaralang Quezon Science High School, na nagbibigay ng pinaka-bago at importanteng balita sa loob ng aming paaralan. Layunin ng aming publikasyon na maghatid ng balitang kapaki-pakinabang ukol sa mga kaganapan, proyekto, at tagumpay ng bawat miyembro ng aming paaralan. Sa bawat isyu at balita, aming sinisigurado na lahat ng kwentong aming ihahatid ay totoo at maaasahan.
Aubrey Achacoso•Gabriel Banagan•Marci Banago•Harry Brigoli•Gabriella Mallari